Chapter IX

1.5K 54 0
                                    

Paggising ko ay bumaba na agad ako para makakain ng dinner. 9:00pm na rin kasi kaya gutom na naman ang mga alaga ko sa tiyan. Mukhang napasarap na naman ang tulog ko kanina dahil ngayon lang ako nagising. Hsst!

Pagbaba ko ay nandoon lahat sila sa sala at busy na nanunuod ng horror movie. 'Yung sounds kasi nakakatakot at nakalights off pa sila.

"Waaaaaaah!!!! Multoooooo!!!"sigaw ni Troy sabay turo sa pwesto ko ang gago.

"Waaaaaahh!!! May multooooo!!!"segunda naman ng iba at nagsiyakapan na sila. Yung iba ay nagtago pa si likod ng sofa.

Tanga lang eh, no? Pagkakamalan pa talaga akong multo ng mga 'to. Ang ganda-ganda ko para maging multo.

"Hindi ako multo."wika ko sa kanila pero mukhang tanga lang ang iba dahil nagsisigaw sila.

"Nagsasalita ang multoooo!!!!"

"Kyaaaaaaaaahhh!!"

"Patawad kung nagambala ka namin! Hindi namin sinasadya na magising ang iyong kaluluwa. Patawarin mo kami."nangingibabaw na wika ni Jaypoy kaya napairap na lang ako sa hangin.

"Pakibatukan nga yan at ng matauhan."utos ko sa kanila at ilang sandali lang ang lumipas ay sumindi na ang ilaw.

"Si Agatha lang pala."nakahinga sila ng maluwag ng makita akong nakatayo kaya napairap ulit ako sa kanila.

"Nuod-nuod pa kasi ng multo eh."wika ko at naglakad na ako papunta sa kusina.

"Nasa ref 'yung ulam!"sigaw ni Nicole at kinuway ko na lang ang kamay ko patalikod bilang sagot.

Tinignan ko ang ref nila at mukhang naggrocery sila dahil sa dami ng laman nito. Sa baba niya ay may taperwer na malamang doon nila inilagay ang ulam. Kinuha ito at binuksan para malaman kung ano ang ulam at adobo pala ito.

Pinainit ko na lang ito tsaka kumain na ng dinner. Gutom na 'ko.

"Saan ka pala nagpunta kanina?"bungad sakin ni Nicole pagpasok niya sa kusina.

"Nakatulog ako sa kwarto ko."sagot ko sa kanya

Kumuha ng pitsel si Nicole sa ref at baso naman sa mesa.

"Bago yun."

"Ahh, yung kanina?"tanong ko na tinanguhan naman niya bilang sagot. "Namasyal lang kami nila Julianne at Julius."sagot ko sa kanya na agad naman niya tinilian pero napatakip din siya agad sa kanyang bibig.

"Bakit hindi mo 'ko tinawag?!"nanggigil niyang tanong.

"Wala ka eh."sagot ko naman tapos inagaw ko sa kanya 'yung basong hawak-hawak niya na may tubig tsaka ko ito inunom.

Siguro ngayon na ang oras para magkabati na kami. Magiging asawa naman na siya ni Hasky, eh. Kaya dapat matapos na ang tampong nararamdaman ko sa kanya.

"Nandito kaya ako kanina."sabay agaw sa plato ko at sa kutsarang hawak ko.

Ito na. Bumabalik na kami sa dati, na kapag inagaw ko ang baso niya ay ang pagkain ko naman ang aagawin niya.

ClashMate2:Way Back Into Love✔Where stories live. Discover now