Chapter XX

1.6K 48 1
                                    

Brix POV

Natigil ako sa paghaplos sa buhok nilang dalawa ng may kumatok sa pinto.

"Bro, labas ka na diyan! Mag-iinom na tayo!"rinig 'kong wika ni Hasky sa labas. Kaya dali-dali akong nagtungo sa pinto dahil ang lakas-lakas ng boses niya. Mamaya magising pa ang mag-ina 'ko.

"Ssssh! Wag kang maingay natutulog na sila."wika ko sa kanya ng makalabas ako at sa kwarto.

"Ay. Akala ko hindi ka pinayagan ng kapatid ko."wika niya bago tumungga sa dala-dala niyang alak.

"Papayagan ako nu'n basta tulog."sagot ko naman na tinawanan niya.

"Under ka pala sa kanya, bro."natatawa niyang wika sakin at tinapik niya pa ang balikat ko. "Alam mo, ang swerte mo sa kapatid ko."dugtong niya pa na nagpangiti sakin.

"Syempre. Napakamaalagain niya at sobrang maoagmahak niya."sagot ko habang nakangiti.

"Kaya wag na wag mo siyang papaiyakin, kundi lagot ka sakin."natawa ako dahil sa pagbabanta ni Hasky.

"Yan ang hinding-hindi ko maipapangako sayo."sagot at agad naman niya akong binigyan ng batok dahil doon.

"Sinasabi ko na nga ba, eh! May balak ka ding saktan siya. Ngayon pa lang ay layuan mo na siya."napakapraning naman nito. Iba naman yung tinutukoy ko, eh.

"Hindi ko naman sasaktan ang kapatid mo, eh. What I mean is, hindi ko kayang maipangako na hindi siya umiyak kapag kinasal kami O kaya, kapag nanganak siya."

"Hindi mo kasi nililinaw agad!"reklamo niya sakin at ako pa talaga ang may kasalanan. Ibang din 'to, eh. "Basta wag mong sasaktan ang kapatid ko."tinanguhan ko si Hasky bilang sagot.

Talagang mahal na mahal niya ang kapatid niya at ayaw nakikitang umiiyak. Yan ang hinahangaan ko kay Hasky. Masyado siyang sensetive kapag kapatid na niya ang pinag-uusapan. Kung sabagay matagal din niyang hindi nakasama si Gail.

"Oo. Di ko siya sasaktan dahil mahal na mahal ko siya at ayaw kong mawala siya sakin."muli ay tinapik na naman niya ako sa balikat. "Bayaw, paano kung kami muna kaya ang paunahin mong ikasal."suggest ko sa kanya pero isang batok na naman ang natanggap ko galing sa kanya.

Nakakarami na 'to, ha!

"Bro, ako muna. Manganganak na ang misis ko kaya kailangan ko na siyang ikasal sa lalong madaling panahon."napakaOA naman nito. Parang tatlong araw pa lang na buntis si Nicole, manganganak agad?

"Bakit mo kasi binuntis?"natatawang tanong ko sa kanya.

Bali, apat palang kaming magbabarkada ang nakakaalam at nalaman niyang buntis si Nicole ng isugod si Gail sa hospital. Kaya ayan ang OA na niya.

"Hindi ako nakapagtimpi, eh. Inakit niya ang alaga ko."natawa ako dahil sa reaksyon niya. Para kasing natate habang sinasabi iyon.

"Bakit ka naman kasi nagpaakit?"

"Wala. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Kaya nagapang ko tuloy siya. Kaya ikaw, wag na wag mong gagapangin ang kapatid ko. Gusto ko siyang makitang ikasal na walang sugat sa katawan at walang dala-dala sa tiyan."wika niya na tinanguhan ko naman.

"Syempre naman. I respect her at birhen ko siyang ihaharap sa altar. Kasi naniniwala ako na virginity is best gift that you could give to your husband or wife."taas noo kong wika sa kanya.

I'm a good boy, you know?

"Wow ha? Virginity is the best gift, but the question is, are you still a virgin?"natatawang tanong ni Hasky sakin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

ClashMate2:Way Back Into Love✔Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz