Chapter XXXVII

1.2K 34 6
                                    

"Wow putoflan!"napaupo ako ng wala sa oras dahil sa putoflan na hinatid ni Aling Mileng dito.

"Mukhang paborito mo ata 'to, hija."masayang wika niya.

"Oo nga, ate."segunda rin ni Ashley na kasunod 'kong lumabas.

"Aling Mileng, saan po ba nakabibili ng gamito?"tanong ko bago ko isubo yung isang buong puto.

"Ako ang gumagawa niyan, hija. Bukod kasi sa pagbubukid ay nagtitinda rin ako ng puto para may dagdag kita."

"Ahh.. Pwede po pang gawan niyo ako ng ganito? Pero yung kulay po puto niya ay blue."

"Hahaha! Sige, hija."napangiti ako ng pagkalawak-lawak dahil sa sinabi niya.

"Salamat po."pasasalamat ko sa kanya tsaka ako tumingin sa dalawang batang kasama ko. "Oy, kain na kayo."yaya ko sa kanila pero ngumiti lang sila ng awkward.

"Ate, naubos mo na po yung hinatid ni nanay."napatingin ako sa plato ng sabihin yun ni Ashley.

Halla! Ilan lang kaya yung nakain ko. Tsaka ang bilis ko namang kumain kung ako lang ang nakaubos nu'n.

"Mukhang gutom ang ate niyo. Di bale Ashley may dala naman akong pansit."tapos nilabas ni Aling Mileng yung pansit. Parang nasusuka ako sa amoy nito. Ang sangsang at ang baho.

Napatakbo ako sa lababo ng wala sa oras dahil sa pag-ikot ng kalamnan ko.

*suka*

"Hija, ayos ka lang?"nag-aalalang tanong ni Aling Mileng pero hindi ko magawang sagutin dahil busy ako sa pagsuka.

Ano bang meron sa pansit na yun? Ang baho-baho.

"Saan niyo po nabili yung pansit?  Ang pangit po kasi ng amoy at parang umiikot ang sikmura ko dahil doon."tanong ko sa kanya habang pinupunasan ang labi ko.

"Huh? Hindi naman masyadong maamoy yung pansit, hija."takang tanong tapos mga ilang segundo rin ay may lumabas na ngiti sa kanyang labi. "Buntis ka no?"mababakas ang nakakalokong ngiti sa mukha ni Aling Mileng kaya napaisip ako.

May nangyari na samin ni Ash at hindi malayong may mabuo nga.

"Ano po bang sintomas ng buntis?"

"Hmm.. nagsusuka, laging may hinahanap na pagkain, minsan laging naiinis, laging galit at marami. Depende yun sa taong nagbubuntis."sagot niya sakin.

Noon sinabihin din ako ni tita Mary na buntis ako, pero hindi ko naman pinapansin 'yun. Hindi ko naman kasi alam kung ano ang nangyayari kapag buntis.

"Para mas makasiguro tayo, hija. Sasamahan ka namin mamaya na magpacheck-up."para akong naexcite sa sinabi niya.

Napahawak ako sa tiyan ko habang may ngiti sa labi ko.  Hindi pa man kompirmado ay parang sigurado na ako na may baby dito. Iniisip ko pa lang na magkakababy na ako ay parang natanggal lahat ng stress na nararamdaman ko. Lahat ng lungkot at pangungulila ay parang nawash out.

"Maliligo na po ako, Aling Mileng para makapacheck up na tayo."tumango si Aling Mileng kaya dali-dali akong bumalik sa kwarto para maligo.

May mga damit pa naman akong kasya dito kaya hindi ko na proproblemahin yun.

---
Hindi ko alam kung paano ko i-eexplain. Basta sobrang saya ko. Parang sasabog ang dibdib ko sa sobrang saya. Hindi pa 'to alam ni Ash ni pero iniisip ko pa lang ay parang matutuwa na siya. Hindi ko naman kasi matawagan dahil lowbat na ang cellphone ko. Wala naman akong dalang charger or compatible charger para sa cellphone ko. Hsst!

ClashMate2:Way Back Into Love✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon