Chapter XVII

1.5K 47 4
                                    

ATG POV

Pagmulat ko sa'king mga mata ay puting ceiling agad ang bumungad sakin.

Nasaan ba ako?

Inikot ko ang aking mga mata at napagtantong nasa kwarto ako. Kwarto na puro puti ang pintura. Napatingin ako sa kanan ko at may dextros na nakasabit at nakatusok ito sa kamay ko. Habang sa kaliwa ko naman ay may natutulog pero hindi ko makita kung sino ito.

Napukaw ang tingin ko sa pinto ng magbukas ito at may iniluwang dalawang tao na miss na miss ko na.

"Mommyyyyy!!!"sigaw ni Jacob at patakbong pumunta sakin tsaka ako sinalubong ng mainit na yakap.

"Gising ka na pala."wika ng nagbabantay sakin at si Hasky pala ito. "Saglit lang tatawag ako ng doctor."dugtong niya bago lumabas.

"Hi, babe."isang yakap ang binigay sakin ni Brix pagkatapos niyang ilapag ang dala niyang paper bag.

"Bakit ako nandito? At ilang oras na akong tulog?"naguguluhan 'kong tanong sa kanila habang umaayos ako ng upo sa kama.

"Tatlong araw ka ng tulog kaya tatlong araw ka na ding nandito."sagot niya na nagpakunot naman sa noo ko.

Tatlong araw? Ano bang nangyari?

Nag-usap kami ni Ash. Nasaktan ako. Umiyak ako sa kwarto ko at... at... nahilo ako! Pero? Tatlong araw?! Tatlong araw akong tulog?!!

"Mommy, I miss you so much."napatingin ako kay Jacob dahil sa sinabi niya.

Nginitian ko muna siya bago sumagot.

"I miss you too, baby."ngiti 'kong wika sa kanya at ginulo ko ang buhok niya.

"Kilan pa kayo nakauwi?"tanong ko kay Brix na nakaupo sa silya at nagbabalat ng pongkan.

"Noong nakaraang araw pa. Nalaman ko kasing sinugod ka sa hospital kaya nagmadali kaming umuwi."sagot niya sabay abot sakin ng isang parte ng pongkan na inilingan ko dahil hindi ko gusto. "Kamusta na ang pakiramdam mo?"

"Ayos na ako. Parang natulog lang ako ng isang gabi."bahagya siyang natawa sa sinagot ko.

Magtatanong pa sana ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang doctor at nurse.

May kung ano-ano siyang pinaggagawa sakin hanggang sa matapos siya.

"Okay na ang lagay ng Mrs. mo Mr.Perez. Pwede niyo na po siyang mailabas mamaya."wika ng doctor kay Brix at talagang napagkamalan pa akong Mrs. niya.

"Salamat po, doc."sagot naman niya.

Aalis na sana ang doctor ng humabol ako ng isang tanong sa kanya.

"Doc, ano po bang nangyari? Bakit ang tagal 'kong nakatulog?"

"Ahm..Mrs.Perez, nakainom po kasi kayo ng ecstacy na mataas ang dosage kaya nakatulog kayo ng napakahabang oras."

Ecstacy? Kailan ako nagtake ng ecstacy? Paano ako nakatake ng ganun?! What the fuck?!! Puro tubig lang naman ang ininom ko at walang halong ecstacy yun kasi ako mismo ang kumukuha.

"Kung wala na po kayong tanong Mr. and Mrs.Perez ay aalis na po ako."magiliw na wika ng doctor na tinanguhan naman ni Brix kaya lumabas na siya kasama ang nurse.

"Ano ba kasing pinaggagawa mo? Hindi ka kasi nag-iingat, eh. Dapat hindi na lang ako pumayag na sumama ka sa trip nila Hasky para wala ka sana dito ngayon. Tignan mo yang paa mo. Nagkasugat ka pa tuloy."ramdam ko ang inis sa boses niya at pinipigilan lang niya ito.

ClashMate2:Way Back Into Love✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon