Chapter XVI

1.6K 44 0
                                    

ATG POV

Nasa labas ako at naglalakad sa may tabi ng pampang. Gabi na pero mamaya na lang siguro ako papasok. Wala rin naman akong kasama ngayon sa bahay dahil umalis na silang lahat. Dumalo sila sa birthday ni Julius at tanging ako na lang ang naiwan na naman.

Kahit na gusto 'kong pumunta ay hindi ako pinapunta ni Hasky. Ba'ka daw kasi maapakan o mabasa ng tubig ang sugat ko. Kaya ngayon ako lang ang natira.

Sa paglalakad ko ay nakita ko ang isla de kainderya kaya agad akong nagtungo doon.

"Ate!"wika ko sabay taas ng kamay.

Lumapit naman ang waiter sa pwesto ko at agad akong tinanong.

"Good evening, maam! Ano po ang order niyo?"masigla niyang wika sakin.

"Mami isang order."

"Yun lang po ba, ma'am?"tumango ako sa kanya bilang sagot at tinuon ko na ang aking atensyon sa labas ng makaalis ang waiter.

Ilang sandali pa ang lumipas ng dumating na ang inorder ko at umuusok pa dahil sa init nito.

"Enjoy your meal, ma'am."wika ng waiter bago umalis.

Agad 'kong tinimplahan 'yung mami. Nilagyan ko ng patis, kalamansi, at ginisang sili. Hmmm... sarap nito.

Sinimulan ko ng kainin iyon at bawat subo ay talagang napakasarap. Hindi ka magsisisi sa presyo dahil sulit na sulit naman.

Napatakip ako ng bibig ko ng dumighay ako. Buti na lang at walang masyadong tao malapit sakin kaya hindi nila narinig. Except sa waiter na naghatid ng bill ko.

"Nabusog, ma'am?"ngisi nitong wika.

"Oo. Ang sarap,eh."sabay abot ko ng 50 pesos sa kanya.

Fifty kasi ang isang mangkok. Ang mahal, pero sulit.

"Salamat, ma'am. Balik ka po ulit."wika niya na nginitian ko na lang bago umalis.

Naglakad-lakad ulit ako habang dinadamdam ang ihip ng hangin na dumadampi sa aking balat, nang biglang pumasok sa isipan ko yung waiter kanina.

Napakafamiliar ng itsura niya at ang gaan ng loob ko sa kanya. Parang nakita ko na siya, pero 'di ko maalala. Basta! Ang pamilyar ng presensiya niya.

Nagkibit-balikat na lang ako dahil sa iniisip ko. Siguro nagkataon lang yun at sadyang marunong lang makisama ang waiter na yun.

Napagdesisyonan 'kong pumasok na sa loob dahil medyo malamig na rin ang ihip ng hangin na dumadampi sa balat ko.
.

"Saan ka nagpunta?"napatalon ako ng wala sa oras dahil sa nagsalita.

Akala ko ba walang tao dito? What the fuck?!!

"Kanina pa ako nandito at madadatnan ko ang bahay na walang tao?"wika niya sakin at tanging blangkong reaction ang binibigay niya.

Pinakalma ko ang sarili ko dahil sa naghuhumirintadong tibok na naman ng puso ko. Kinakabahan na naman ako na ewan.

Tumikhim muna ako bago nagsalita. "Pakialam mo ba?"tinaasan ko siya ng kilay habang nakacross arms pa.

ClashMate2:Way Back Into Love✔Where stories live. Discover now