Chapter XXXIV

1.1K 41 1
                                    

Hindi ko alam kung tutuloy pa ba ako sa loob o hindi. Parang hindi naman kasi open 'tong Resto. Wala akong makitang tao pumapasok dito o kahit tao man kang na kumakain sa loob. Last time na pumunta ako dito ay napakadaming tao. Hsst!

Napabuntong hininga muna ako bago ako bumaba sa sasakyan ko. Bahala na nga.

Mga 5:21 na din akong nakarating dito dahil sa traffic at sayang naman ang effort na ginawa ko kung hindi ko ichecheck ang loob.

Pagbukas ko sa pinto ay isang nakangiting front linear ang bumungad sakin.

"Early evening ma'am. Do you have any reservation?"magalang niyang tanong.

"Ahm, do you know where's the table of Mr. Trojan Almocera?"tanong ko at agad namang tinignan ng babaeng front linear ang notebook niya.

"This way, ma'am."wika niya tsaka siya nanguna sa paglalakad na sinundan ko na naman.

Huminto siya sa paglalakad kaya huminto rin ako. Tapos nagpagilid siya tsaka niya inilahad ang kamay niya. Ngayon ay kitang-kita ko na ang lugar na tinutukoy niya.

Napatingin ako sa sahig at may red petals pa dito. Mula sa kinatatayuan ko hanggang sa table ay may petals. Tapos yung table ay may mantle na kulay pula at sa gitna niya ay may kandila. Maganda ang pagkakaayos nito at talagang masasabi mong sweet ang taong gumawa.

"Ah, Miss, iba atang Trojan ang nakita mo."wika ko sa kanya.

Imposible naman kasing gumawa ng ganito si Trojan. Isa pa ay may sasabihin lang naman siya. Kaya mga simpleng dinner  lang yun.

"Hi."napatingin ako sa likod ko dahil doon nanggaling yung boses. At isang lalaki na may pormal na kasuotan ang bumungad sakin.

May dala-dala si Trojan na boquet of flower tsaka niya binigay iyon sakin. So what's going?

"D-diba may sasabihin?"nauutal kong wika sa kanya.

Kasi naman! Bakit may paganito pa siyang nalalaman? Mukhang hindi maganda ang feelings ko dito.

"Let's eat first."saad niya tsaka ako inalalayan at pinaghila ng upuan.

May dumating na waiter at sinerve yung pagkain. May pawine pa ang waiter bago siya umalis.

"So what's this all about?"muli 'kong tanong habang nilalagyan niya ng pagkain ang plato ko.

Tumingin siya sakin tsaka siya ngumiti bago binaba yung plato may alimasag. Hindi ko type 'to kainin at masyadong masangsang ang amoy. Parang gusto ko tuloy sumuka pero nakakahiya naman kasi nasa harap ako ng hapagkainan.

"I want to court you."mabilis niyang wika na nagpailing na lang sakin.

"Trojan, kasi--"

"No buts. I will court you and this is for real."matigas niyang wika na nagpabuntong hininga sakin.

"Trojan, alam mo naman siguro ang nagyari samin ni Brix? Hindi pa ako handa."

"Then I will wait."

"Trojan, naman eh. Ang dami-dami pang ibang babae diyan"

"So what? Ikaw ang gusto ko."napailing na lang ako dahil sa sinabi niya.

Alam 'kong may gusto siya sakin noong highschool kami, pero hindi ko aakalain na hanggang ngayon ay may gusto pa rin siya.

"Bakit ako?"tanong ko sa kanya.

"Kasi ikaw ang pinili ng puso ko."

Napabuntong hininga ako sa sinagot niya. Ano na naman ba 'to? Ayokong masaktan ka ulit sakin Trojan. Tama na ang isa at ayoko ng ulitin pa.

"Pero kasi, Trojan... May mahal na akong iba..."halos pabulong na lang ang pagkakasabi ko sa mga nahuling salita.

Gusto kong maging honest sayo kasi kaibigan kita. Ayoko kong umasa ka na naman sakin.

"At kaibigan lang talaga ang tingin ko sayo."dugtong ko bago ako tumayo sa kinauupuan ko at umalis na dito.

Hindi ko gusto na saktan ka pero mas lalo ka lang kasing masasaktan kapag pinatagal ko pa. Dahil, kahit na anong gawin ko ay iisang tao pa rin talaga ang nangingibabaw sa puso ko.

Pumasok na ako sa kotse ko at nagdrive paalis dito. Gusto ko munang lumayo kay Trojan para hindi siya masaktan. Alam ko naman kasi ang feeling ng nasasaktan kapag nakikita mo ang taong gusto mo pero hindi mo kayang makuha. Hsst!

Nang makatapat ako sa munomento ni Rizal ay tumigil muna ako tsaka tumingin sa labas. Naalala ko kasi ang moment namin dito ni Jacob. At kung sakaling aalis man siya ng bansa mamimiss ko siya ng sobra. Napamahal na sakin yung batang 'yun at masakit para sakin na mawalay siya. Gusto ko ay dito lang siya sa tabi ko. Ayoko siyang lumayo dahil masasaktan ako. Pero kung ang paglayo ang tama, kahit na masakit para sakin ay titiisin ko. Magkikita pa naman siguro kami.

Napabalik ako sa ulirat ng may kumatok a bintana ko, kaya binuksan ko iyon at bumungad sakin ang isang batang lalaki na siguro ay kasing edad lang ni Jacob.

"Pahingi naman po ng pagkain, Ate. Nagugutom na po at kagabi pa po ako hindi kumakain."wika niya at nakaramdam ako ng awa sa kanya.

Ang bata-bata niya pa pero natitiis na niyang hindi kumain ng isang araw. Kawawa naman siya dahil sariling sikap lang ang ginagawa niya para makaraos.

Bumuntong-hininga muna ako bago ko kinuha ang wallet sa bag ko. Wala kasi akong dalang pagkain kaya pera na lang ang ibibigay ko sa kanya.

"Ito, oh. Bili ka ng makakain mo."sabay abot ko sa limang daan.

Medyo nagdadalawang isip pa siya kung kukunin niya o hindi.

"Kunin mo na para may pambili ka pa sa susunod."wika ko sa kanya at napakamot naman siya ng ulo niya.

"Sa-salamat po, ate. Maraming-maraming salamat po."nakangiti niyang wika bago umalis dito.

Sinundan ko siya ng tingin at dumiretso siya sa bilihan ng mga pagkain. Kaya na napangiti na lang ako ng bahagya dahil doon.

Inistart ko na ulit ang engine ng sasaktan ko at nagdrive na pauwi sa bahay.

ClashMate2:Way Back Into Love✔Where stories live. Discover now