Chapter V

1.7K 46 2
                                    

ATG POV

"Manang, andito na po ako."wika ko at aakyat na sana ako sa hagdan ng may mapansin akong nakaupo sa sofa and to my surprise ay si Mitch pala ito.

Lumapit ako sa kanya at nginitian naman niya ako. Umupo ako sa kabilang sofa bago nagsalita.

"Anong kailangan mo?"medyo naiinip 'kong wika sa kanya.

Kung dati ay nakangiti ako habang nakikitungo sa kanya, pero ngayon ay 'di ko na magawa dahil sa mga kasalanang ginawa niya sakin. Okay na sana yung isang beses niyang pang-aagaw pero inulit niya pa ulit. Wala akong magawa kundi ang kasuklaman siya.

Natawa siya ng bahagya bago sumagot sa tanong ko.

"Kamusta ka na pala?"tinatanong ko siya tapos sasagutin niya ako ng tanong. Tsk! Inirapan ko siya dahil alam ko namang nakikipagplastic'an lang 'to at may sadya talaga ang babaeng 'to sakin.

"Mabuti naman. Ikaw ba?"

"Mabuti din, lalo na't araw-araw pinaparamdam sakin ni Ash kung gaano niya ako kamahal."napairap na lang ako sa isipan ko dahil sa sinabi niya.

Kaya ba siya pumunta dito ay para ipamukha sakin kung gaano siya kamahal ng Ex ko? Hello? HINDI AKO INGGIT SAYO!! Pakialam ko diyan sa Ash na yan! Tsk! Tsk! Saksak mo pa sa baga mo.

Inayos ko ang postura ng upo ko at tumikhim saglit para walang bumara sa lalamunan ko.

"Then good."nginitian ko siya ng pagkalaki-laki pero sa likod ng ngiting 'to ay gusto ko nang patayin 'tong babae'ng kaharap ko. Nakakabwisit eh!!🔪

Ngumiti naman siya at kinuha niya ang baso ng juice tsaka uminom dito. Nilapag niya ulit sa mesa bago nagsalita.

"Alam ko namang nagkaamnesia ka...at yung parteng nakalimutan mo ay 'yung senior days mo, pero sana, kung makakaalala ka na ay hayaan mo na lang sakin si Ash."what the fuck?!!! Ito ba ang pinunta niya?!! "I can give everything for Ash and besides he's happy with me. Sana wag mo na kaming guluhin pa at sana wag mo ng habulin pa si Ash."yung temperatura ng dugo ko na nasa normal ay biglang naging 1000 degress celcius dahil sa sinabi ng babaeng 'to.

Bwisit!!! ANONG AKALA MO SAKIN?! ASO?!! HELLO, KUNG ASO MAN AKO AY HINDING-HINDI AKO MAGHAHABOL NG AMO NA NAGABANDONA SA ALAGA NIYA?!!!!!

Yan ang gusto 'kong sabihin sa kanya pero pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil, ba ka malaman nitong wala talaga akong amnesia. Pero nakakabwisit talaga siya! Sarap ihampas 'tong sofa sa pagmumukha niya.

I clear my throat bago nagsalita. "Excuse me,Mitch. Kung pumunta ka dito para ipamukha sakin na mahal na mahal mo si Ash, pwes ang masasabi ko lang ay WALA akong pakialam. Ni hindi ko nga maalala kung ano ang naging parte ni Ash sa buhay ko tapos ganyan ang sasabihin mo? The fuck! Sayo lang si Ash! Sayong-sayo! KAYA PWEDE BA LUMAYAS KA NA DITO?!!LAYAS!!!"yan. 'Di tuloy ako nakapagpigil. Tsk! Tsk!

Hindi ko na siya hinintay pa na tumayo sa kanyang kinauupuan dahil ako na ang nagwalk out saming dalawa. Nakakabwisit siya! Ang sarap niyang sabuyan ng kumukulong tubig.

Padabog akong umakyat sa kwarto ko at agad na sumobsob sa kama.

"Grr!! Nakakainis talaga!"sigaw ko habang nakasubsob ang mukha ko sa unan. Pinagkukurot ko din ang unan dahil sa inis na nararamdaman ko.

Ano naman kayang pinuputok ng botse nu'n? Pitong taon na kaming hiwalay at hanggang ngayon ba naman ay hindi pa rin sila makapagmove on sa kahapon? Ano ba naman yan! Kinakalimutan ko na 'yun pero balak pa talaga nilang ipaalala sakin. Tsk! Nakakainis sila! Lalo na si Ash, ang lakas-lakas ng loob niyang makipaghiwalay sakin noon tapos ngayon hahabol-habol siya. Sasabihin niyang mahal niya pa ako. Naku lang ha? Alam ko namang pinagtritripan lang ako ng lalaking 'yun dahil pareho na kaming engaged at alam ko sa sarili ko na mahal na namin ang mga taong kasama namin ngayon.

ClashMate2:Way Back Into Love✔Where stories live. Discover now