Chapter XXXV

1.2K 38 7
                                    

"Mommy, p-lease... a-yoko po'ng  sumama sa k-anila. P-please, mommy."pagmamakaawa ni Jacob sakin habang nakakapit sa binti ko.

Tumingala ako para mapigilan ang nagbabadya 'kong luha. Ang sakit pala. Ang sakit na makitang umiiyak ang itinuring mong anak. Kahit na ayaw ko siyang mapalayo sakin ay wala akong magawa. Poster parents lang ako at mas may karapatan ang biological mother niya. Kahit na masakit ay kailangang tanggapin, dahil ito ang dapat at tamang gawin.

"M-mommy, you said you love me.."humihikbi niyang wika at sa paraang yun ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na umiyak.

Parang sinasaksak ang puso ko habang nakikita siyang nagmamakaawa sakin. Naalala ko tuloy yung kabataan ko. Noong nagmamakaawa din ako sa nanay ko na wag akong iwan. Alam ko ang sakit na nararamdaman niya ngayon at kung sumama man ang loob niya sakin ay hindi ko siya masisisi.

Lumuhod ako para mapantayan siya.

"You know how much I love you, baby. Pero si tita Bea kasi ang tunay mong mommy. Gusto ka din niyang makasama and for sure, she will love you more I love you."wika ko sa kanya bago siya yakapin ng pagkahigpit-higpit.

Damn! Ang sakit. Parang sasabog ang puso ko sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. Parang any moment ay mahihimatay ako sa sobrang sakit ng dibdib ko.

Hindi ko kaya....Hindi ko kayang mawalay siya sakin. Para akong mamamatayan.

"But y-your my m-mommy."iyak niyang sagot sakin kaya mas lalong humigpit ang yakap ko.

Sunod-sunod na din ang pagbagsak ng luha ko. Damn! Ang hirap nito.

"Mommy, I l-love you."huli niyang bulong bago siya kunin ni Bea. Siya kasi ang sumundo kay Jacob dito sa bahay.

"Tara na, anak."yaya ni Bea sa kanya at pilit na hinihila si Jacob pero nagwawala naman itong isa.

"No!! Mommy! Mommy kooo!"pagmamakaawa niya at kahit na gusto ko siyang kunin mula kay Bea ay hindi ko magawa dahil wala naman akong karapatan. Para nadikit ang mga tuhod ko dito sa semento habang umiiyak. Wala akong magawa. Napakawalang kwenta ko.

"Mommyyyy!!!!"sigaw niya na mas lalong nagpalakas sa pag-iyak ko.

Wala na akong nagawa pa ng makalabas silang dalawa ni Bea sa bahay. Wala na siya. Wala na si  Jacob. Wala na yung baby ko.

Naramdaman ko ang mahigpit na pagyakap sakin ng isang taong alam na alam ang pinagdadaanan ko.

"Tama na, anak. Ginawa mo lang ang tama..."pagpapakalma niya sakin habang hinahagod ang likod ko. "Tama na. Sssssh~"yumakap na lang ako sa kanya at doon ko binuhos lahat-lahat ng luha ko.

"Ang sakit..."bulong ko sa kanya habang umiiyak ako sa kanyang balikat.

"Masakit talaga dahil tinuring mo na siyang tunay na anak. Pero ginawa mo lang yun dahil yun ang tama. Alam 'kong maiintindihan 'to ni Jacob kapag lumaki na siya."sagot niya sakin habang pinapakalma ako.

Tinayo niya ako sa pagkakaupo sa sahig at dinala sa sofa.

"Noong iniwan mo ba ako ay ganito din ang naramdaman mo?"tanong ko sa kanya habang sa pader lang ang tingin ko.

"Mas masakit pa dahil anak kita. Mahal kita at ayaw kitang iwan, pero sa mga panahon na yun ay kailangan din ng kuya mo ng nanay. Kailangan niya ako sa tabi niya."

Hindi na lang ako sumagot pa sa sinabi niya. Alam ko naman na nagkasakit noon si Hasky at naiintindihan ko na ngayon. Sana maintindihan din ako ni Jacob paglaki niya. Sana hindi sumama ang loob niya sakin. Kahit masakit ang katotohanan ay kailangang tanggapin. Pare-pareho lang naman kaming nagmamahal.

Napahilamos ako sa mukha ko dahil sa stress na nararamdaman ko. Wooh! Di ko matake lahat ng nangyayari ngayon. Umaga pa lang pero parang isang buong araw na ang pasan ko.

Tumayo ako sa inuupuan ko at dumuretso ako sa kwarto ko. Siguro itutulog ko na lang ang lungkot na nararamdaman ko. Sana paggising ko ay okay na ang lahat. Sana paggising ko ay masaya na  ang nasa paligid ko. Sana bumilis na rin ang oras para malagpasan ko na ang pagsubok na ito. This day is so frustrating and I want to leave it for a while. I want to disappears all the problems and pain that I feel right now.  I want to escape in this problem and I think, dream is the best solution for it.
zZZZZ

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

After 5 days
♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡

Napamasahe ako sa sintido ko dahil sa stress. Ang dami-dami ko  na ngang problema tapos sasabay pa 'tong bwisit na office work na 'to. Nakakainis kasi yang Ash na yan, eh! Ang sarap-sarap batukan. Pag ako nainis diyan ipapakain ko siya ng buhay sa mga pating. Tsk!

"Hey, my life."napatingin ako sa pinto ng marinig ko siyang nagsalita.

May nakakalokong ngiti siya na agad 'kong inirapan. Bwisit talaga. Nagawa pa niyang ngumiti sa dami ng problema.

"My life."mababakas ang pangungulit sa boses na agad 'kong sinamaan ng tingin.

"Anong my life-my life?! Buhay mo ba ako, ha?! Ha?! Buhay mo ba 'tong buhay ko?! Tsk! Bwisit!"

"Hey, galit---"

"Anong hey? Kabayo ba ako? Para sabihan mo ng hey? Ha?! Tsaka, oo galit ako! Galit ako dahil sa bwisit na pinapatrabaho mo! Alam mo naman na nangungulila pa ako kay Jacob pero pilit mo pa rin akong pinapasok. Nakakainis ka! Hindi ka marunong makiramdam. Laging sarili mo lang ang iniisip mo!"halos lahat ata ng inis ko ay naibuhos ko na sa kanya.

Nakakainis kasi. Lagi na lang Agatha, here. Agatha, there. Agatha, everywhere! Nakakainis! Nakakasawa na siyang pakisamahan. Lagi na lang siyang utos. Ano ako? Sekretarya niya? Tsk!

"I'm sorry."paumanhin niya na hindi ko na lang  pinansin.

Kinuha ko yung bag ko at inis na lumabas dito sa opisina. Pero hindi pa man ako lubusang nakaklabas ng hilain niya ang kamay ko.

"I'm sorry."pag-uulit niya tsaka niya hinalikan ang likod ng palad  ko na agad ko namang hinila.

"Just give me a break and don't you dare to follow me."wika ko bago ako tuluyang naglakad palabas ng opisina.

Pakiramdam ko kasi ay masyado na akong nasasakal sa mga taong nakapaligid sakin. Si kuya hatid-sundo niya ako dito sa opisina. Si mommy at daddy naman ay bantay sarado ako sa bahay. Yung tipong kakain lang ako ay babantayan pa nila. Si Ash na laging nakabuntot sakin. Uutusan nga niya akong kumuha ng files pero sinusundan naman ako. Tsk! Akala siguro nilang lahat ay magpapakamatay ako dahil sa depression na nararamdaman ko. Tsk!

Pumara ako ng taxi at agad na sinabi ang direksyon ng lugar na gusto 'kong puntahan. Gusto ko munang magpakalayo-layo sa kanila. Gusto ko munang irelax ang sarili ko. Gusto ko munang kalimutan ang problema ko kahit ilang oras lang.


ClashMate2:Way Back Into Love✔Where stories live. Discover now