Chapter XXXXVI

1.6K 30 0
                                    

"Ang ganda mo, anak."papuri sakin ni mama habang hawak-hawak ang kamay ko.

Nginitian ko muna siya bago ako nagsalita.

"Syempre, kanino pa po ba ako  magmamana, ma?"

"Asus! Ikaw talagang bata ka."tugon niya bago ako niyakap. "Basta kapag sinaktan ka ulit ni Ash umuwi ka lang dito sa bahay natin. Always welcome ka dito, anak."dugtong niya at nagsimula na naman siyang maiyak.

Kagabi si daddy ang umiiyak ngayon naman si mama. Kung sabagay, sino ba naman ang hindi maiiyak kung yung unica hija nila ay ikakasal na. Yung hard headed na prinsesa ni daddy ay mag-aasawa na. Sino ba naman ang hindi iiyak kung dadating na ang araw na pinakamahagala sa lahat ng tao. Ang araw na pinapangarap ng lahat.

Sa hinaba-haba ng panahon at dinami-rami ng pinagdaanan ko sa wakas, magiging masaya na din ako. Lahat ng pinangarap at hinangad ko ay matutupad na din. Salamat dahil binigay sakin ni Ash lahat ng iyon. Salamat dahil tinulungan niya akong makuha lahat ng iyon.

Dahil ngayong araw ang umpisa ko bilang isang Mrs. Ngayong araw kami babasbasan ng batas at ng panginoon bilang isang mag-asawa. Matagal ko ding hinintay ang araw 'to. Matagal ko ding hiniling na sana dumating na 'to. At ito na nga. Nandito na. Malapit ko ng makamtam.

"Mahal na mahal ka namin, anak at kahit na ikinasal ka na, ikaw pa rin ang baby namin."muling wika ni mama tsaka ako hinalikan sa noo.

Nginitian ko siya at pinunasan ko ang luhang tumutulo sa kanya.

"Ma, araw ko 'to. Wag ka pong umiyak dapat happy lang tayo. Hindi naman po ako mawawala, eh."wika ko sa kanya.

May nangingilid ng luha sa mata ko pero kailangan 'kong pigilan iyon para hindi masira ang make-up ko. Matagal din akong inayusan at ayaw kong masira iyon.

"Tara na?"yaya ni kuya samin na tinanguhan ko naman.

Inalalayan nila akong makababa sa hagdan hanggang sa pagsakay ko sa kotse. Ilang minuto na lang at magiging tunay na talaga akong Mrs. Ilang minuto na lang at makakasama ko na ang pinakamamahal 'kong lalaki. Ilang minuto na lang at magkakaroon na ako ng sarili 'kong pamilya.

Napapilig ako ng ulo dahil sa sobrang saya ng nararamdaman ko. Noong araw kasi na nagpropose si Ash ng kasal ay naayos na niya pala lahat. Siya na mismo ang nagparegister sa kasal namin at siya na rin ang pumili ng wedding planner namin. Maging nga ninong at ninang ay siya na ang kumuha. Pati date ng kasal namin ay siya na rin ang namili.  January 3 yan ang napili niya. Favorite month niya daw kasi ang January at favorite number ko naman ang 3 kaya January 3 ang napili niya.

Basta ang tanging ginawa ko na lang noong December ay ang namili ng theme ng kasal namin, venue, at gown na isusuot ko. Yan lang ang ginawa ko and the rest ay siya na. Kaya pala ang tagal niyang magyaya ng kasal ay dahil inaayos na niya ang kasal namin. Ang sweet talaga, pero sana kinuha niya din ang opinyon ko. Paano na lang kung hindi ako pumayag noong nagyaya siya? Ede bokya sana siya. Hsst!

"Nandito na tayo. Ready ka na ba, Agatha?"tanong sakin ni kuya na ikinabunting hininga ko bago ako tumango sa kanya.

Ito na nga! Hindi na ako nananaginip. Dumating na ang pinakamasaya at pinakamahalagang araw ko. Ito na yun.

Medyo kinakabahan lang ako pero mas nangingibabaw pa rin ang saya ko.

"Iiwan na muna kita dito, anak."wika ni mama na tinanguhan ko naman. Inalalayan siya ni kuya bumaba bago nila isara ang pinto.

Mula dito sa kotse ay kita ko ang mga tao na nag-aayos na ng formation nila. Kita ko din na marami ang nandito na bisita namin. Masyadong marami kasi ang kinuha ni Ash na mga ninang at ninong namin. Masaya ako dahil masaya silang lahat. Masaya sila para sa amin.

ClashMate2:Way Back Into Love✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon