Chapter XXIX

1.4K 44 2
                                    

"Ms.Vertido, ito na po yung files na pinapakuha niyo."

"Lagay mo na lang diyan sa table ko."sagot ko kay Lera at hindi ko na inabala pang tumingin sa kanya.

Buong linggo ay mga office work lang ang inatupag ko. Gusto ko kasing makalimutan ang nangyari noong kasal ni Hasky. Tangging si Ash lang ang nakakaalam tungkol doon at pinakiusapan ko na din ang mga staff na nandoon na wag na lang magsasalita tungkol sa nangyari. Si ateng front desk na tinanggalan ni Ash ng trabaho ay muli ng nakabalik. Syempre pinabalik ko siya, wala namang nagawa si Ash kundi sumunod na lang.

"Ms.Vertido, may tawag po kayo. Tristan Lee daw po ang pangalan."napatingin ako kay Lera dahil sa sinabi niya.

Nasa pintuan siya habang hawak-hawak niya ang telepono.

"I'm busy."sagot ko sa kanya at tinuon ko na muli yung atensyon ko sa papel na hawak ko.

Isa rin yang Tristan na yan, eh! Halos araw-araw ata siyang tumatawag dito. Buti na lang talaga at narinig ko yung pinag-usapan nila noon ni Mitch, kundi ba'ka narape na niya ako. Tsk! Di ko aakalain na ganun na pala siya ngayon.

"Ms.Vertido, importante daw po talaga sabi ni Mr.Lee."muli niyang wika habang nakasilip sa pinto.

"I don't care."sagot ko sa kanya tsaka ko siya sinamaan ng tingin para hindi na niya ako istorbuhin. Tsk!

Dali-dali naman niyang sinara ang pinto at hindi na ako inistorbo sa mga sumunod na oras. Mas mabuti yun para makapagfocus ako ng maigi sa ginagawa ko.

-

Hindi ko alam kung anong oras na. Ni pagkain ng tanghalian na pinadala pa ni DIRECTOR HANCE ay hindi ko pa ginagalaw. Wala akong gana lalo na't marami akong iniisip ngayon.

Hinilamos ko ang mukha ko at napastretch din ako ng leeg dahil sa pangangalay nito. Medyo masakit na ang likod at puwet ko dahil kanina pa akong umaga dito nakaupo. Kung hindi sa sofa ay sa swivel chair ako umuupo. Minsan sa mismong desk din ako umuupo, buti na lang at hindi nasasakto kapag papasok si Lera.

"Ms.Vertido, hindi pa po ba kayo uuwi?"tanong sakin ng secretary ni Hasky at mukhang pagod na din siya.

"Anong oras na ba?"balik 'kong tanong sa kanya at tumingin naman siya sa wrist watch niya.

"8:45pm na po, Ms.Vertido."sagot niya kaya tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa swivel chair ko.

"Sabay na tayong bumababa."saad ko bago kinuha ang bag at coat ko na tinanggal ko kanina kasi sobrang init.

Habang nakasakay kami sa elevator ay nangangalkal na ako sa bag ko. Hindi ko na naman kasi makita yung susi ko. Tsk! Napakaburara ko talaga. Buti na lang noong nawawala ang susi ko ay napulot ni Lera sa office ko. Tapos ngayon mukhang nawawala na naman. Hsst!

"May problema po ba, Ms.Vertido?"tanong ni Lera habang nakatingin sakin.

"Yung susi ng kotse ko nawawala."

"Diba po pinahiram niyo kay Director Hance yung kotse niyo?"napatampal na lang ako sa noo ko ng maalala ko yun.

Damn! Anong pumasok sa kokoti ko at pinahiram ko ang kotse ko sa kanya? Tsk! Imbis na hindi na ako magtaxi ay no choice pa rin. Grr! Katangahan, Agatha!

Tumunog ang elevator tanda na nandito na kami sa first floor. Kaya naman sumabay na ako kay Lera sa paglalakad palabas. Tutal wala naman yung kotse ko ay makikisabay na din ako sa kanya sa paghihintay ng taxi. Tsk!

"Ms.Vertido, pansin ko po stress na stress kayo ngayon. Ba'ka po gusto niyong magrelax-relax muna. Ba'ka lang po."yaya ni Lera sakin na hindi ko naman tinanggihan.

ClashMate2:Way Back Into Love✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon