E P I L O G U E

1.8K 55 8
                                    

Ashley Steve Hance Del Rosario POV

Habang nagdradrive ako sa motor ko patungo sa pagtatambayan naming magbabarkada ay may nakita akong  motor at sobrang cool nito. Pangkarera ang dating ng sasakyan niya pero mukhang hindi siya nangangarera. Hmm.. masubukan nga 'to.

Binusinahan ko siya pero hindi ako pinansin. Muli ko ulit siyang binusinahan tsaka siya tinanguhan para iparating na gusto 'kong makipagkakera sa kanya.

Huminto ako dito sa may guhit ng kalsadang ito para hintayin siya. Nang makatapat siya sa puwesto ko ay nagsabay kaming nagrelease ng enerhiya sa sasakyan. Bumilang ako ng hanggang tatlo tsaka ko pinaandar ang sasakyan ko. Ewan ko ba sa isang yun dahil hindi pa siya umaalis sa pwesto niya. Tsk! Bahala siya diyan kapag siya natalo buhay niya ang kapalit. Magiging utusan ko yan hangga't gusto ko. Tsk!

Napangisi ako sa ideyang naisip ko. Maganda nga yun para may alalay ako. May uutusan ako kapag tatamarin akong pumunta sa canteen. Pasukan pa naman bukas. Hsst!

Nagulat na lang ako ng over take siya sakin at naunahan na niya ako. Damn! Paano niya nagawa yun? Di hamak naman na mas mabilis ang takbo ng sasakyan ko at napakalayo ng agwat namin. Paano nangyari yun?

Huminto siya sa isang tabi at prenteng hinihintay ang kagwapuhan ko. Huminto naman ako sa tapat niya at inis na inalis ang helmet ko. Damn! First time 'kong matalo at hindi ako papayag na ganun-ganun na lang yun. Tsk!

Inalis niya ang helmet niya na nagpalaki sa mata ko. Huwaaaat?!!!

"Babae ka?!"gulat na gulat kong wika sa kanya.

Tangina natalo ako ng isang babae. Ngayon ko lang ito naranasan ang matalo tapos sa isang babae pa? Shit! Nakakabanas. Tapos 'tong babaeng ito mukhang nang-aasar pa. Tsk!.

"Better luck next time." matamis pero mapang-asar niyang wika.

Nakakatangina talaga to oh. Natalo pa ko sa babaeng to. Bwisit!! Kung hindi ka lang maganda ba'ka inupakan na kita. Damn! But shit! Why my heart beat this fucking fast?! Ito ba ang epekto ng natalo? Tsk! Kahit kilan hindi pa ako natatalo ng kahit na sino. Hell this woman! Mangkukulam siguro 'to kaya naunahan niya ako agad. And? Aisssh!!! Damn this feeling! Why I felt that there's something inside my heart?! Tsk! This can't be! Ginagayuma ako ng babaeng 'to.

Akala ko hindi ko na siya makikita pa'ng muli pero nagulat na lang ako ng malaman 'kong magkaklase pala kami. And the worse thing is magkatabi kami. Tsk!

Everytime that she's around my heart tremble so fast. I felt some chill inside me. Everytime that I see her my day is complited. I love her at nalaman ko lang yan noong nakaramdam ako ng selos kay Hasky, Clyde, Brix, at even his damn bestfriend! Sobra akong naiinis sa tuwing sinasabihan niya ng princess shark ang buhay ko. Noong panahon na nakita ko silang magkasama ay parang gusto ko siyang bugbugin. Gusto 'kong patayin yang Trojan na yan. I don't want to see my life smiling because of him. I don't want to see my life laugh because of them. I'm jealous when I see her happy because of other people's effort.

Kaya noong nagbakasyon kami sa rest house nila Chloe ay nagsagawa na ako ng plano para mapasagot siya. Maybe that plan is not sweet as the other man do, but I don't care. Mukha ko pa lang naman kasi ay sweet na at sapat na para sa kanya. Ramdam ko naman na mahal niya ako at ganyan talaga kapag pogi.

Nang sagutin niya ako ay parang yun na ang pinakamasayang araw na nangyari sa buhay ko. Yung araw na yun ang pinakamahalagang araw sakin. Pero gaya nga ng sabi nila, 'kapag may saya, may lungkot din'.

Akala ko puro saya na lang ang mararamdam ko noon, pero noong nalaman ko na may bone cancer ako ay parang gumuho ang mundo ko. Pakiramdam ko ay mamamatay na ako noong mga panahong yun. Kaya noong binisita niya ako sa bahay ay niyakap ko siya ng mahigpit. Hinalikan at pinaramdam ko sa kanya na mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya at hindi ko siya kayang iwan. Hindi ko siya kayang makitang umiiyak ng dahil sakin.

ClashMate2:Way Back Into Love✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon