Chapter VIII

1.7K 51 2
                                    


ATG POV

Hindi na ako natulog pa hanggang sa makarating kami sa resthouse nila Nicole.

"Ang ganda naman dito."wika ni Chloe ng makababa kami sa sasakyan.

"Oo, maganda talaga."sagot ko naman at inikot ko ang paningin ko sa buong resthouse nila.

Hindi pa ito nagbabago magmula ng huli kaming nagpunta dito na tatlo, bilang magkakaibigan. Noong hindi pa wasak ang 'pagkakaibigan' naming tatlo.

Sa pag-ikot ko sa aking paningin ay nakita ko ang puno na pinag-ukitan namin ng mga pangalan namin dati. Hindi pa pala nila iyon pinaputol. Nakakamiss din pala ang dating kami.

"Hi."bungad ni Nicole samin at dumiretso agad siya kay Hasky tsaka ito hinalikan sa lips. Dito pa talaga maglaloving-loving ang dalawang 'to. "Tara na sa loob."yaya niya samin at sumunod naman kami sa kanya.

Kahit na kabisado ko na ang lugar na ito ay nakikisunod pa rin ako sa mga kasama ko. Bali partner-partner pala sila, pwera lang sakin.

"Bali 10 rooms lang ang meron kami dito sa resthouse. Tapos yung tatlo ay nakareserved na, so 7 na lang ang meron kami. Kaya tig-aapat na tao sa isang kwarto. May isang kwarto lang na tatlo ang tao. Pagpasensyahan niyo na dahil maliit lang ang resthouse namin."wika ni Nicole na agad namang sinagutan ng mga kasama namin ng:

"Wala yun."

"Okay lang."

"Ang laki nga ng resthouse niyo."

At marami pang iba.

Nagexplain pa si Nicole tungkol sa bahay nila na hindi ko na nagpagtuonan ng pansin dahil sa pagvibrate ng cellphone ko. Tinignan ko ito at isang text message pala galing kay Brix. Binuksan ko ito at agad na napangiti dahil sa laman ng text niya.

BABE
+63999999999

Hey,Babe!😊 Pinaalam ka sakin ni Hasky kagabi na magbabakasyon daw kayong magkapatid somewhere in Panggasinan. Mag-enjoy ka sa bakasyon, ha. Releave all your stress, Babe. I know you really need that, so enjoy your vacation with your brother.😊 Wag kang pupunta sa malalim na parte ng dagat at wag ka ding magsusuot ng bikini. Pagnalaman ko lang na nagsuot ka, mabubuntisan ka sakin.😂dejoke lang✌I'll gonna reserve that on our wedding😊 I love you,Babe😚 Ingat ka diyan.

"Kinikilig si Agatha, oh."napabalik ako sa huwesyon ko ng marinig ko ang pangalan ko.

"May longgggg sweet message siguro si Brix."segunda naman ni Cynthia. At napa-ayeeee naman ang mga kasama namin.

"Nababaliw na naman kayo."naiiling 'kong wika sa kanila na tinawanan lang nila. "Saan pala yung kwarto namin?"baling ko kay Nicole na nakatingin din pala sakin.

"Ahmm, kayo ni Mitch ay sa dating kwarto pa rin."sagot naman niya na tinanguhan ko na lang.

"Nakapunta ka na pala dito, Agatha?"tanong ni Jerome na tinanguhan ko ulit bilang sagot.

"Paano? Tsaka kilan?"singit naman ni Jaypoy

"Matagal na. Dati kasi kaming magkakaibigan at dito kami nagbabakasyon kapag summer break."sagot ko sa kanya at napa-ahh- na lang sila.

Sinukbil ko na ang bag ko sa balikat ko at dumiretso na ako sa dati 'kong kwarto dito. Bali doon ako sa pinakadulo katapat sa kwarto ni Mitch. Pero 'tong kwarto ko ay may magandang view, dahil paglabas mo sa virenda ay makikita mo na agad ang dagat. Tapos, kahit hindi mo buksan ang aircon ay malamig pa rin dahil sa hangin na nanggagaling sa dagat.

ClashMate2:Way Back Into Love✔Where stories live. Discover now