Chapter XI

1.6K 46 0
                                    

ATG POV

"Kain na!"tawag ko sa mga kasamahan namin na busy nanunuod ng T.V sa sala.

Lunch na namin ngayon at ako na naman ang nagluto. Napagkasunduan kasi nilang lahat na ako daw ang magluluto at lahat ng yun ay dahil sa pangunguna ni Nicole at Julianne.  Hindi man lang nila ako sinamahan. Basta pinapasok na lang ako sa kusina at ako na ang gumawa sa lahat-lahat. Astig din nila eh.

"Hmmm ang bango, ate."wika ni Julianne pagkapasok na pagkapasok niya sa kusina.

"Amoy palang nakakatakam na."wika naman ni Nicole at pumuwesto silang lahat sa dating upuan.

"Ang sarap ng sinigang mo,Agatha."si Lyka naman ngayon ang pumuri sa luto ko.

"Oo nga. Tamang-tama lang ang timpla."gatong naman ni Troy at humigop pa siya sa sabaw.

"Why don't you put up a resto? Magaling ka naman magluto."saad naman ni Clyde habang kumukuha ng kanin.

"Kaya nga. I'm sure, magiging sikat iyon dahil sa husay mong magluto."gatong naman ni Sam.

Buti naman at nagsalita na rin siya. Mula kasi noong unang pagkikita namin hanggang ngayon ay hindi pa kami nakakapag-usap. Hmm! Di bale na nga lang.

Tumawa ako ng bahagya sa mga suggestion nila.

"Busy ako kaya hindi ko na maharap yan."sagot ko sa kanila

"Pero sayang naman."nanghihinayang na wika ni Joyce na tinawanan ko na lang.

Nagkwentuhan lang silang lahat habang ako ay tahimik na kumakain. Masarap ang ulam kaya away-away muna. Wala munang istorbuhan.

Pero mukhang nagkamali ako. Dahil 'tong katapat ko na si Ash ay nakikipag-asaran na naman. Nangingiliti siya ng paa gamit ang mga paa niya. At paano ko nalaman na siya iyon? Ay dahil sa mga ngiti niya pagnapapatingin ako sa kanya. Ngiting nang-aasar. Bwisit!

Nilagay ko sa silong ng upuan ko ang paa ko at nagpatuloy ulit ako sa pagkain. Bibilisan ko na lang ang pagkain dahil nakakahiya naman sa katapat ko. Bwisit talaga!

-
Pagtapos kumain ay nagpaalam na rin sila Julius at Julianne dahil ba'ka hinahanap na sila sa kanila.

"Nga pala mga ate at kuya."pahabol ni Julius kaya tumingin kaming lahat sa kanya. "Sa susunod na araw ay birthday ko na. And I want to invite you all for this coming event of my life. Hope to see you all in De Casa Hotel, sa kabilang isla po ito."

"Sige pupunta kami."

"Don't worry pupunta kami."

"Salamat sa pagimbita. Maasahan mo kami."

Wika naman ng mga kasama naman at tumango naman ako kay Julius bilang sagot.

"Sige po una na po kami. Ate Tamara, thanks sa pagluto mo ng sinigang. Namiss ko talaga iyon."pahabol niya pa at kumaway ito sakin.

"Wala yun. Ingat kayo."sagot ko at kinawayan siya pabalik.

Nang makaalis na sila ay pumasok ulit kami sa loob ng bahay at kanya-kanyang pwesto sa sala. May nakahilata, nakaupo, nakatayo at kung ano-ano pa ang mga pwesto namin dito.

"Ang boring ngayong tanghali."wika ni Jaypoy na nakahilata sa sahig habang nakataas ang isang paa niya sa sofa.

"Magtotwo naman na, tara volleyball tayo?"yaya ni Mitch sa kanila na agad namang ikinasigla nilang lahat.

"Tara."sagot ni Troy tapos tumayo na siya.

"Game ako diyan. Wait lang magbibihas lang ako."segunda rin ni Lyka.

ClashMate2:Way Back Into Love✔Where stories live. Discover now