Chapter XXXXII

1.4K 31 2
                                    

Clyde POV

Napayukom ako ng kamao ko ng sumabong ang taas ng abandonadong gusaling ito. Gustong-gusto ko ng pumasok sa loob pero hindi ko magawa dahil pinipigilan ako ni kuya Jazzly. Damn! Nandoon ang asawa ko at kapag may nangyaring hindi maganda sa kanya ay hinding-hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

"Kuya, hindi pa ba tayo papasok?"tanong ko sa kanya na inilingan naman niya.

"May plano ang mga pulis at hintayin na lang natin ang go signal nila."sagot niya sakin.

Kadadating lang namin dito dahil naligaw ako kanina. Bwisit! Akala ko nasundan ko sila pero iba na pala ang sinusunod ko. Tsk! Buti na lang at bukas ang GPS ni Sam kaya nakarating ako dito sa liblib na lugar na 'to.

Dito sa labas ay may helicopter na malamang ay gagamitin ng kung sino man para makatas siya. Pero hinding-hindi ako papayag na makakatakas siya.

*Bang*

Isang malakas na putok ng baril ang narinig namin mula sa loob. Damn! Ano ng nangyayari sa loob?! Sino ang nagpaputok?! Si Sam kamusta na kaya siya?! Damn! Damn!

Tinignan ko si kuya ng may pagmamakaawa para makapasok na ako sa loob, pero isang mariing iling lang ang binigay niya. Kaya napabuntomg hininga ako. Binalik ko ang tingin ko sa building bago ko binuksan ang pinto ng sasakyan ko. Kahit ayaw ni kuya ay papasok ako.

"Sir, hindi po kayo pwedeng pumasok!"harang sakin ng pulis pero hindi ko siya pinakinggan. Wala naman siyang magagawa kung may nangyaring masama kay Sam. Walang magagawa ang pagpigil niya sakin kung mapapahamak ang baby namin. Tangina! Mapapatay ko yung taong nagpatok!

Ilang saglit pa ay may may narinig na naman kaming putok ng baril kasabay ng pagsigaw nila sa pangalan ni Agatha at ang pagpasok ng mga pulis. Tangina! Ngayon lang sila pumasok! Ngayong may nangyari ng masama.

Agad ako pumasok sa loob at wala akong paki kung nagbabarilan sila. Ang kailangan ko ay ang asawa ko.

Nilibot ko ang paningin ko at nakita ko si Sam na nakaalalay sa isang babae na hindi ko kilala. Sa tabi nila ay naroon si Brix na namumutla na. Damn!

Agad akong lumapit sa kanila at tinulungan si Brix.

"Dalhin na natin siya sa hospital. Masyado ng maraming dugo ang nawala sa kanya."pakikiusan ng isang babae. Maging siya ay namumutla na rin.

"Tara na."wika ko sa kanila at ako na ang umalalay kay Brix. Tapos si Mitch naman ay yung isang lalaki ang inilalayan niya. At si Sam ay yung babae ang inalalayan niya.

Napapitlag kami ng may sumabog na naman.

"May bomba dito kailangan na nating makaalis."muling wika ng babae kaya nagmadali kaming umalis dito.

Damn! Paglabas namin ay may ambulansya ng sumalubong samin at agad nilang inuna ang mga sugatan. Damn!

"Ayos ka lang?"tanong ko kay Sam ng makalapit ako sa kanya.

"Oo."mahinang sagot at ilang saglit lang ay nahimatay na siya.

"Damn! Sam! Samantha!"sigaw ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Kinakabahan na ako dito.

May lumapit samin na nurse at stretcher kaya agad 'kong nilagay doon si Sam. Damn! Ito na nga ba ang sinasabi ko.

Agad kaming sumakay sa ambulansya at sinugod siya sa hospital. Hindi ko na alam kung ano ang mga sumunod na nangyari doon. Basta ang gusto lang ay madala na agad sa hospital ang babaeng mahal ko.

♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡♡
AGATHA TAMARA GAIL VERTIDO POV

Paggising ko ay isang puting ceiling ang bumungad sakin. Inikot ang paningin ko at sigurado akong nasa hospital ako ngayon. Ginalaw ko ang kamay ko pero napapikit na lang ako sa sobrang sakit niya.

ClashMate2:Way Back Into Love✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon