Prologue

353 42 16
                                    

ALETHEA'S POV

Nagising ang diwa ko ng may maramdaman akong malakas na enerhiya, hindi ito enerhiya ng isang Aepygerian. Alam na alam ko ang enerhiyang ito. Kinilabutan ako sa aking naisip.

Nagmulat ako ng mata at nagmamadaling bumangon upang pumunta sa aking hidden library.

Lakad takbo akong tumungo sa tapat ng isang libro na nasa loob ng mahiwagang glass barrier. Ang barrier na ito ay gawa pa ng mga sinaunang Pantodynamos upang maprotektahan ang libro. Tanging mga Gois o Goissa, mga Ourania at mga Pantodynamos lamang ang maaaring humawak sa libro na ito.

Kulay kayumanggi na batik-batik ang cover nito at sa gitna ay mayroong kulay itim na salamin. Sa itaas ng salamin ay nakaukit ang pangalan ng libro "Book of Prophecies".

Kasalukuyang nagliliwanag ang libro, pakahulugan na mayroong panibagong propesiya. Sa loob ng dalawang daang taon, ngayon lamang ulit nagkaroon ng propesiya kaya't gayon na lamang ang kilabot ko ng maramdamang mayroong bagong propesiya.

Tinignan ko ang salamin ng libro, inaantay ang lalabas na propesiya. Umilaw ito ng mas maliwag kumpara kanina, pahiwatig na lalabas na ang propesiya.

"Eris, the God of Strife, shall be freed by vengeance.

Anger will conquer the weak,

Greed will control the innocent,

War shall come to Aepygero."

Matinding kilabot ang aking naramdaman. "Hindi maaari." bulong ko. Humihina ang liwanag ng libro pahiwatig na iyon lamang ang propesiya.

"Paanong.. Hindi.. Hindi maaari, hindi handa ang Aepygero."

Ngunit gayon na lamang ang gulat ko ng lumakas na naman ang liwanag ng libro.

"Do not let fear prosper,

for Agape, the Goddess of Love, shall bestow her power.

Conceal what the Goddess bestowed.

Love shall reveal thy power."

Tuluyan nang nawala ang liwanag ng libro.

"Anong ibig sabihin nito?" nalilitong tanong ko.

Ang huling bahagi ng propesiya ay hindi ko lubos na naunawaan.

"Kinakailangan itong malaman ng mahal na hari at reyna."

AEPYGERO SERIES: Love & AngerWhere stories live. Discover now