Chapter 52

20 6 7
                                    

Dedicated to RedLideo, JamminYum18 & alendrexia_yvette

THIRD PERSON'S POV

Halos dalawang linggo na ang lumipas ngunit hindi pa rin nawawala sa isip ni Athana ang mga salitang binitawan ni Alethea sa kaniya.

Araw ng Biyernes at kasalukuyang naguusap ang mga estudyante ng section A patungkol sa kanilang gagawing preperasyon para sa paparating na festival ng mga Fylakas sa susunod na linggo.

"Schy, do you have any suggestions?" tanong ni Nephele na hindi nito narinig.

Masyadong okupado ang isipin ni Athana tungkol kay Alethea at sa mga sinabi nito. Pati na rin ng mga ikinikilos ni Pyrrhos nitong mga nagdaang araw.

"Hello, Schy?"

"Hoy! Babaita!"

"Hala? Ano bang nangyayari sa babaeng ito?"

"Schy, ok ka lang ba talaga?" tanong muli ni Nephele na nagpabalik kay Athana sa reyalidad.

"Ahh. Oo naman, Anee." ngumiti naman ito upang iparating sa pinsan na ayos lamang siya kahit ang totoo ay binabagabag siya ng kaniyang mga isipin.

"No, you're not. Kanina pa kita tinatawag at nakatulala ka lang dyan. Ilang araw ka nang laging spaced out. What's the matter?" nagaalalang tanong ni Nephele.

Lagi akong spaced out? Tanong ni Athana sa sarili.

*FLASHBACK*

Day 1, Tuesday

"Baby."

"..."

"Baby."

"..."

"Baby, let's go. Maguumpisa na ang klase."

"..."

"I think you don't want to walk."

"Waaahh!" nagulat si Athana nang bigla siyang buhatin ni Pyrrhos na parang sa bagong kasal.

"Effie, ibaba mo ako. Saan ba tayo pupunta?" puno ng pagtatakana tanong nito sa nobyo.

"Malelate na tayo, baby. Mukhang malalim ang iniisip mo."

---

Day 3, Thursday

"Athana, pakihiwa nga itong mga gulay." sabi ni Elissa.

"Sure!" kinuha naman ni Athana ang mga gulay at nagsuot ng apron bago nagumpisang hiwain ang mga iyon.

Wala sa sariling naghihiwa ng mga gulay si Athana na halos mahulog na sa sahig ang ibang nahiwang gulay.

"Schy, careful." pagpapaalala ni Nephele.

"..."

Patuloy lamang na naghiwa si Athana na ikinabahala ng mga kasama nito.

"Athana, baka mahiwa ka."

"..."

"Ischyra! Ako na nga dyan!" sigaw ni Nephele nang mapansing kakaiba na ang paraan ng paghihiwa nito.

AEPYGERO SERIES: Love & AngerOnde histórias criam vida. Descubra agora