Chapter 15

45 19 0
                                    

SEB'S POV

Kinabukasan ay napagdesisyunan naming maglibot sa field at itry ang iba't-ibang booths.

"Ang cute noong stuff toy! Doon tayo! Kukunin ko iyon!" natutuwang sabi ni Nephele at tumakbo pa nga patungo sa isang laro. Mukhang mahirap iyon, dahil mayroong parang tulay na ladder doon na gawa sa kahoy ang tapakan at lubid ang mga sumusuporta. Kailangan mong maibalance ang katawan mo patungo sa kabilang dulo ng tulay para pindutin ang buzzer. Habang pinapanuod namin ang ibang naglalaro ay natatawa na lang kami dahil pagkarating lagi sa gitna ay naa-out of balance ang mga iyon dahilan para mahulog sila. May inilalagay din silang bracelet sa players upang inullify ang kapangyarihan nito.

"Kaya mo ba iyan Nephele?" tanong ni Nerees sa kaniya.

"I'll try! Haha!" sabi nito at nagbayad na upang makapaglaro.

Isinuot na niya ang bracelet at nagumpisang tulayin iyon. Ang pagtulay doon ay hindi patayo, kundi pagapang. Dahil kailangan mo iyong gamitan ng bigat ng katawan upang mabalanse ang magkabilang gilid ng lubid.

Nasa gitna na si Nephele ng tumigil siya.

"Go, Anee! Kaya mo iyan!" pagchecheer ni Athana.

"Waah!" nahulog ito ng subukan muling gumalaw dahil mahirap na sa parteng iyon ang ibalanse ang tulay.

"Waah! I'll try again, I really like that stuff toy!" ang cute kasi ng isang malaking pastel yellow na bear.

"Let me./Ako na!" sabay na sabi ni Zopyros at Cheno.

Ang haba ng buhok ng Nephele! Mukhang magkakaroon pa nga ng love triangle.

Nagkatitigan ang dalawa at sabay na lumapit sa nagbabantay ng booth at nagbayad doon.

"Ay bet ko yan! Dali! Paunahan kayo!" panggagatong ko.

Dumami bigla ang mga nanunuod ng pumwesto ang dalawa.

"Oops! Wait! Paunahan kayo ah! Ready! In 3.. 2.. 1.. Go!" pagkasabi ko noon ay sabay silang tinulay iyon.

Nauuna ng kaunti si Cheno habang si Zopyros ay maingat ang paggalaw. Nasa gitna na si Zopyros habang si Cheno ay nakalagpas na sa gitna.

"Go Cheno! Go Cheno!"

"Bilisan mo Zopyros!"

"Kaya mo iyan Zopyros!"

"Cheno dali! Malapit na!"

Pangchecheer ng mga nanunuod.

"Naglaban pa nga ang dalawa para sa stuff toy ng Nephele! Haba ng hair mo girl!" sabi ko dito

"Hahaha! Ano ka ba! Ginusto nila iyan! Tsaka di naman para sa akin iyan. Baka natuwa lang sila sa game."

"Asus! Tignan natin!"

"Hala sayang! Malapit na si Cheno eh!" panghihinayang ng isang nanunuod ng mahulog si Cheno.

Si Zopyros naman ay malapit na sa dulo.

*Buuzz*

"Waah! Ang galing ni Zopyros!"

"I love you Zopyros!"

"Akin ka na lang!"

Nagtagumpay nga ang Zopyros na makuha ang stuff toy na gusto ni Nephele.

"Hala! Wala na! Tsk! Bakit mo kinuha iyan? Eh kukunin ko nga iyan!" pagmamaktol ni Nephele.

"Here." biglang hinagis ni Zopyros ang malaking stuff toy kay Nephele, halos kasing laki iyon ni Athana.

AEPYGERO SERIES: Love & AngerWhere stories live. Discover now