Chapter 40

14 5 9
                                    

Dedicated to PinkyprinceOchavo, rhebel26 & ReaEra6

A/N: R-18 This chapter contains matured and explicit content. Read at your own risk.

ATHANA'S POV

Nagising ako ng marinig ang sigaw ni Sebi sa labas ng pinto.

"Schy, Anee, bumangon na kayo!"

"I'm up!" sigaw ko para malaman niyang nagising na kami.

Nilapitan ko naman si Anee at ginising.

"Anee, gising na." tinapik-tapik ko ito sa balikat dahil nakasubsob pa rin ang mukha niya sa unan.

"Hmm. Inaantok pa ako, Schy." mahinang sabi nito.

"May klase pa tayo."

"Ugh. Fine." bumangon na siya at tumingin sa akin.

Napangiwi ako sa itsura niya.

Namumugto ang mata at namumula ang ilong niya. Umiyak pa ba ulit ito? Samantalang tulog na siya noong natulog ako.

"I think you should go first to the bathroom." sabi ko.

Nakuha naman niya ang sinabi ko at nagmamadaling tinignan ang sarili sa salamin.

"What the puff?!" sabi niya at tumakbo papasok sa bathroom.

Napailing na lang ako.

Siguradong nagising pa yon kaninang madaling araw.

Halos trenta minutos ang tinagal niya sa pagligo kaya nagmadali akong magayos ng sarili.

Umayos-ayos naman na ang itsura niya ng makaligo, nabawasan ang pagkamugto ng mata niya pero namumula pa rin ang ilong.

Lumabas na kami ng kwarto at sumalo sa hapagkainan. Wala pa doon si Ice at Zopyros kaya inantay pa namin.

Nawala na rin iyong hinanda naming design kahapon. Inayos na siguro nila Sebi.

Walang nagsasalita. Wala rin gumagawa ng ingay. Ang awkward naman.

Nilingon ko si Effie na kanina ko pa nararamdamang nakatingin sa akin.

"Good morning, baby." buka ng bibig niya na naintindihan ko kahit walang boses.

Nginitian ko naman siya at ginaya ang sinabi niya.

"Good morning din, baby"

Hindi niya siguro inaasahan dahil natigilan siya at nakita kong namula ang tenga. Ang cute! Pipisilin ko sana ang pisngi niya nang dumating na iyong dalawa at naupo sa kaniya-kaniyang pwesto.

Tinignan ko si Anee nang maupo sa tabi niya si Zopyros. Hindi niya ito tinitignan o ano. Basta na lang siyang nagsimulang kumain kaya't inumpisahan na rin naming kumain.

Kung dati ay tahimik kami kung kumain, ngayon ay sobrang tahimik. Maski tunog sa mga utensils ay wala kang maririnig. Nakakabingi. Hindi ako sanay na ganito kami katahimik.

Nang matapos kumain ang lahat ay naunang kumilos si Anee para ligpitin ang mga pinagkainan kaya't tinulungan namin siya. Siya rin ang nagprisintang maghugas ng mga iyon, tinulungan ko na lang siya para mabilis matapos dahil isang oras na lang ay maguumpisa na ang P. E. class namin.

Dumaretsyo na kami sa pool area dahil swimming ulit ang P. E. namin ngayon. Every week kasi ay rotation ng mga sports ang P. E. namin kaya paiba-iba.

AEPYGERO SERIES: Love & AngerWhere stories live. Discover now