Chapter 51

11 4 0
                                    

Dedicated to silentfurrycat, Donnnnnx & BusyLittleSoul

ATHANA'S POV

Linggo na ngayon at papunta na kami sa Magikes Dynameis Academy. And guess what?!

Kasama namin si Alethea! Kahapon lang namin nalaman na magaaral din siya sa academy! At hindi lang iyon! Sa headquarters din siya tutuloy dahil awtomatik na siyang miyembro ng Ischyros!

Ngayon lang namin siya nakasama dahil hindi siya gaanong lumalabas ng kwarto niya sa kastilyo. Oo, sa kastilyo na rin siya pinatuloy nila daddy.

"Hmm. Alethea, I'm Ischyra Athana Zotiria, but you can call me Athana or Schy, which ever you want!" sabi ko ng makaupo siya sa tabi at inabot ang kamay ko.

Ngumiti naman siya sa akin at inabit ang kamay ko.

"Alethea, mahal na prinsesa."

"Nako! Schy na lang o Athana ang itawag mo sa akin. Masyadong pormal kapag ganyan palagi ang tawag mo samin."

"Elissa."
"Hi! Ako si Chronis."
"Uh.. Hi?.. Ako naman si Cheno. Hehe."

Isa-isa rin silang nakipagkamay.

"Kailan ka pa namin gustong makilala kaso hindi ka naman lumalabas ng kwarto. Hehehe." sabi ko.

"Pasensya na. Hindi kasi ako sanay makisalamuha." mahinhing sabi nito. Napakalambing talaga pakinggan ng boses niya.

"Masanay ka na sa amin. Kasi simula ngayon ay palagi mo na kaming makakasama."

"Nabanggit nga sa akin ng mahal na hari. Umaasa rin akong maging kaibigan kayo." nakangiting sabi niya.

"Ngayon pa lang ay itinuturing ka na naming kaibigan." sabi ni Chronis.

"Salamat."

Pagkaraan ng dalawang oras ay nakarating na kami sa academy. Natanaw ko naman si Effie na naghihintay sa entrance ng academy.

"Ang laki at ang ganda pala talaga ng akademya." namamanghang sabi ni Alethea.

"Mamaya ay itotour ka namin para naman maging pamilyar ka sa buong academy." sabi ko.

Binuksan na ng isang prostatis ang pinto ng kalesa at nakaabang doon si Effie para alalayan ako.

"Thank you, baby." sabi ko.

Inalalayan naman ni Chronis si Elissa habang si Cheno ay inalalayan si Alethea. Ang gentleman naman ng mga pinsan ko!

"Give me your things, baby." sabi ni Effie at kinuha ang bitbit kong gamit.

"Alethea, siya pala si Pyrrhos Effie. Prinsipe ng Pyr Kingdom." pakilala ko kay Effie.

"Her boyfriend." dugtong pa ni Effie bago nakipagkamay.

"Ikinagagalak kong makilala ang prinsipe ng Pyr Kingdom."

"It's also nice to meet the Pantodynamos." walang kangiti-ngiting sabi ni Effie.

Napansin ko naman na nakatingin lang si Alethea kay Effie.

"Let's go, baby. Nandoon na sila sa headquarters."

Hinawakan ako sa kamay ni Effie bago kami naglakad.

Kinikilig pa rin ako tuwing ginagawa niya ang mga ganito. Kahit pa matagal na kami ay parang bago lagi sa akin ang bawat kilos niya.

AEPYGERO SERIES: Love & AngerUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum