Chapter 46

11 4 0
                                    

Dedicated to rhebel26, lumiiarxee & Beauwish

ATHANA'S POV

Tahimik kaming kumakain kasama sila Elissa at maging sila auntie nang biglang pumasok ang Duke ng Aeras Kingdom. Yumuko naman iyon bago lumapit kay uncle at may binulong.

"Ano?!" naibagsak ng hari ang kaniyang mga kubyertos.

"Anemi, kailangan na nating bumalik sa kaharian." sabi ni uncle.

"Bakit, Nepholo? May nangyari ba?" tanong ni auntie.

Kami naman nila Elissa ay nakatingin lang sa kanila.

"Anong nangyari, Haring Nepholo?" tanong ni daddy.

"Paumanhin, Haring Zoticus. Kailangan na naming bumalik sa kaharian sapagkat ang aming prinsesa ay natagpuang walang malay."

Si Anee?! Hala!

Nagkatinginan naman kaming apat nila Elissa at pareparehas na nagtatanong ang mga mata.

"Ano pong nangyari kay Anee?! Pwede po ba akong sumama?!" napalakas na tanong ko.

"Hindi namin alam. Pero ang sabi ng aking Duke ay maayos ang lagay niya at wala ni isang galos. Mauuna na kami, Haring Zoticus, Reyna Isyria, Prinsesa Ischyra." sabi ni uncle at sabay silang tumayo ni auntie at yumuko.

Tumayo naman ako.

"Pwede po ba akong sumama?"

"Prinsesa Ischyra, mas mabuting manatili ka na lamang dito." sabi ni daddy. Aalma pa sana ako kaso nang tignan ko si mommy ay sinenyasan niya lang ako na sumunod kay daddy.

"Ok po. Haring Nepholo, pakikumusta na lang po ako kay Anee." malungkot na sabi ko.

"Makakarating, Prinsesa Ischyra." sabi niya bago sila tumalikod at nagmamadaling umalis.

Siguro naman walang masamang nangyari kay Anee. Sabi naman nila maayos ang lagay ni Anee. Siguro nagpapagod iyong babaeng iyon?

Hindi naman na nagsalita sila daddy kaya't nanahimik na lang din ako hanggang sa natapos kaming kumain.

Nagaalala pa rin ako kay Anee. Ano ba kasing pinaggagagawa noon at nawalan ng malay?

Nang makalabas ng hapagkainan ay nagsalita si Cheno.

"Ano kayang nangyari kay Nephele? Siguro naman ok lang siya no'? Paniguradong mababaliw si Zopyros pag nalaman niya iyon."

"I think she's alright." sabi ni Elissa.

Kinabukasan ay nagpunta kami sa Aeras Kingdom para kumustahin si Anee. Mabuti naman ang lagay niya at wala naman daw masamang nangyari kaya napanatag na kami. Nandoon nga rin si Zopyros eh.

*After a few weeks*

Mabilis nagdaan ang mga araw. Masyado akong naabala sa mga gawain ko dito sa kastilyo kaya't hindi ko namalayang isang linggo na lang pala ay may klase na ulit. Enrolled naman na kami dahil sa iba ko na iyon pinaasikaso dahil nga marami akong ginagawa dito sa kastilyo. Madalang ko nga rin makausap sila Elissa.

Naglalakad ako ngayon papunta sa opisina nila mommy. Maaga pa kaya't nandito pa sila.

Kumatok muna ako bago pumasok. Walang tao kaya't naupo muna ako sa sofa.

Nasaan kaya sila mommy? Baka papunta pa lang dito. Sabagay maaga pa naman.

"Zoticus, tingin ko ay oras na para malaman nila ang totoo."

AEPYGERO SERIES: Love & AngerWhere stories live. Discover now