Chapter 13

50 19 0
                                    

NEREES'S POV

"Wala." pagsisinungaling ko.

"Ok lang sayo iyon? Paano kung magkagusto siya doon sa babaeng iyon?"

"Oo naman. Wala namang mali doon. Bakit? Ano bang dapat kong maramdaman? Kaibigan ko siya, kung magkagusto man siya doon ay susuportahan ko siya." hindi ko alam kung saan ko hinugot ang mga salitang iyon, dahil taliwas ang lahat ng iyon sa nararamdaman ko.

*door slams*

"Ay baklang palaka!" nagulat kami ng marinig ang malakas na pagkakasara ng pinto na akala mo eh nagdadabog ang lumabas doon.

"Sino ba iyon? Bakit naman binalibag ang pinto?!" pasigaw na tanong ni Seb.

Lumabas naman si Zopyros at sinilip kami.

"What's that?" takang tanong nito.

"Eh sino ba iyong lumabas na yon at may galit ata sa mundo?" tanong ulit ni Seb.

"Ice just went out of the room. Pyrrhos is in his room." sagot nito.

Si Ice? Hindi kaya narinig niya iyong pinaguusapan namin ni Seb?

"Hoy! Saan ka naman pupunta?" sigaw sa akin ni Seb.

Dali-dali akong lumabas para habulin si Ice. Hindi ko rin alam kung bakit kailangan ko pa siyang habulin.

Pagliko ko patungo sa elevator ay saktong nagsara iyon. Inantay kong bumukas ang kabilang elevator at pumasok kaagad doon. Pagkababa ay nakita kong lumabas si Ice. Sinundan ko naman ito.

Lakad-takbo ang ginawa ko dahil ang bilis niyang maglakad.

"Ice!" sigaw ko dito pero mukhang hindi ako narinig.

"Ice! Sandali!" sigaw ko ulit, pero wala pa rin.

Tumakbo na ako at hinabol siya. Nandito kami ngayon sa likod ng stadium.

"Ice, teka naman!" hinawakan ko siya sa braso para iharap sa akin.

Pagtingin niya sa akin ay nagulat ako dahil walang emosyon ang mga mata nito. Para bang blanko lang itong nakatingin sa akin.

"Ice, galit ka ba sa akin?" daretsyong tanong ko.

Hindi naman ito sumagot, nanatili lang itong nakatingin sa akin.

"Naninibago na kasi ako sa iyo eh. Hindi mo na ako inaasar, hindi mo na ako binibiro, maski tignan ako ay di mo ginagawa. May nagawa ba akong mali? Sabihin mo naman sa akin oh. Hindi ako sanay na ganyan ang pakikitungo mo sa akin." hindi ko namalayang umiiyak na pala ako. 

Bakit ako umiiyak?

"Wala." walang emosyon at tipid na sagot niya.

"Ice, please? Alam ko meron, kasi hindi ka naman ganyan sa akin eh. Please? Ok, I'm sorry. Kung ano man iyong nagawa ko, I'm sorry. Kung narinig mo iyong usapan namin ni Seb kanina at kung nagalit ka doon, I'm sorry. Wag lang yung ganito na para ka talagang yelo na napakacold sa akin. Bakit ka ba nagkakaganyan? Ano ba kasi iyong nagawa ko? Please, sabihin mo sa akin. Hindi ko na kasi kaya yung treatment mo sa akin na ganito. Parang wala lang ako sa iyo. Parang walang Nerees na nageexist sayo kapag magkakasama tayo. Please, Ice?" pagmamakaawa ko dito. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Bakit sobra akong nalulungkot sa pakikitungo niya sakin.

"Ano ba ako sayo?" nagulat ako sa tanong niya. Napatitig naman ako sa mga mata niya at may nakikita akong sakit doon.

Ano nga ba si Ice sa akin?

AEPYGERO SERIES: Love & AngerWhere stories live. Discover now