Chapter 42

18 5 5
                                    

Dedicated to YumeJReiStories, VherlyVillegas1 & Meyangg__

PYRRHOS'S POV

Pagkalabas ni Nerees ay sumunod ako para utusan silang ikuha ng damit si Zotiria dahil puting bestida nag suot niya ngayon.

"Hoy, Nerees, ikuha mo nga ng pamalit na damit si Zotiria."

"Kung makautos ka ah! Ano ka—"

"Prinsipe ako. Inuutusan kita."

"Baka nakakalimutan mo prinsesa rin ako at kapatid pa kita."

"Baka nakakalimutan niyong dalawa na wala kayong kapangyarihan dito sa academy bilang prinsipe at prinsesa" sabi ni Ice.

"Manahimik ka nga!" sabay na sigaw namin ni Nerees.

"Ha! Oo nga ano! Hoy! Kayong dalawa! Kahit magsanib pa kayo, wala akong pake! Prinsipe at prinsesa nga kayo pero dito sa academy normal na estudyante lang kayo! HAHAHA! Pyrrhos, ibili mo nga ako ng—"

"Gag0 ka, Ice!" sabi ko at akma siyang lalapitan nang magtago ito sa likod ni Nerees.

"Ito, binibiro ka lang naman, mahal na prinsipe. Ano bang kailangan mo? Ako na kukuha." sabi pa niya habang payukoyuko.

"Tsk. Ikuha niyo na lang ng damit si Zotiria baka magising na iyon." sabi ko at pumasok na ulit sa clinic.

Naupo ulit ako sa tabi ng hinihigaan ni Zotiria at pinakatitigan siya.

Inayos ko ang ilang hibla ng buhok na humahararang sa maamo niyang mukha.

Habang pinagmamasdan ang payapa niyang pagkakatulog ay lumapit si Miss Paeon.

"Pyrrhos, hindi mo naman siguro nakakalimutan iyong huli nating paguusap?" sabi nito na ikinaseryoso ko.

"Hindi ko iyon makakalimutan."

"Bukod sa hari at reyna, maging ang headmistress, tayong dalawa lamang ang nakakaalam sa kalagayan niya. Kaya't umaasa akong poprotektahan mo siya at hindi pababayaan." makahulugang sabi niya.

"Hindi mo na kailangang sabihin iyan, Paeon. Dahil iyon mismo ang gagawin ko." sinserong sabi ko na nakatingin pa mismo sa mga mata niya.

Ngumiti siya ng bahagya bago ulit nagsalita.

"Mabuti kung ganoon. Maiwan ko na muna kayo." sabi nito at tumalikod na.

Sakto naman na nakabalik na sila Nerees. Si Nerees na lang ang pumasok ng clinic dahil nga bawal ang marami sa loob.

"Kumusta daw si Schy?"

"Maayos na ang lagay niya. Tsk. Kung nagisip lang sana ako edi hindi na umabot sa ganito. Nandyan naman si Cheno."

"Hindi ko rin alam yon. Kapangyarihan lang pala ni Cheno ang makakatalo sa sound. Marami pa nga akong hindi alam tungkol sa kapangyarihan ng tatlong iyon. Hindi naman kasi gaano tinatalakay. Bakit nga kaya?"

Napaisip naman ako doon. Hindi nga gaanong tinatalakay ang tungkol sa kapangyarihan ng tatlo. Dahil secondary pa lang ay tinuro na sa amin ang lahat ng klase ng kapangyarihan dito sa Aepygero pero madalang matalakay ang kapangyarihan nila.

"Tsaka kanina, sabi ni Miss Paeon ay nawala sa isip niyang meron nga palang void manipulator dito sa academy."

"Dahil silang tatlo lang ang nagmamay-ari ng ganoong kapangyarihan. Halos kilala ko lahat ng estudyante dito sa academy pero silang tatlo lang ang alam kong nagtataglay ng kanilang kapangyarihan."

AEPYGERO SERIES: Love & AngerWhere stories live. Discover now