Chapter 56

13 5 0
                                    

Dedicated to LBChanel, iamqueenofdisaster & mid-eumpeleusia

NEPHELE'S POV

"Gusto ko ulit ng cotton candy, Poh." nakangusong sabi ko.

Ano ba naman ito? Nagagaya na ako kay Schy.

"You just ate another five of that stupid unicorn cotton candy, Mone."

Naginit naman ang ulo ko sa sinabi niya. Anong stupid cotton candy? Stupid ba iyong mga cute na cotton candy na iyon?! Aba! Naiinis talaga ako dito sa lalaking ito! Pinagiinit niya ang ulo ko. Hindi na ako natutuwa sa kaniya ah! Kung stupid yung cotton candy edi stupid din ako dahil gusto ko iyon?!

"So I'm stupid?!" galit na tanong ko.

"What?!" gulat namang tanong niya na nilingon pa ako pagkatapos ibigay ang ticket noong dalawang babae.

"Now you're shouting at me!" nakaturo pa sa bibig niyang sabi ko.

"I'm not! I mean, I'm not. What are you saying, Mone? I didn't call you stupid." malumanay nang sabi niya.

"Uhh, excuse me. Four tickets, please." sabi ng babae.

Sinamaan ko naman iyon ng tingin kaya't parang natakot ito.

Binigyan naman siya ni Poh ng apat na ticket at nullifier bago tumingin ulit sa akin.

"You're calling me stupid?!" paguulit ko na nakatayo na.

"I didn't say you're stupid, I said those stupid unicorn cotton candies. Not you, woman."

"That's the same! I wanted those and you're saying those cute cotton candies are stupid! Then I'm stupid, huh?!"

Napahilamos naman siya sa mukha at nameywang. Huminga muna siya ng malalim bago ako tignan sa mata.

"Look, you just ate a total of twelve pieces of cotton candies. Just eat a heavy meal to get rid of your hunger."

"I'm not hungry! I just want to eat those! Argh! I hate you!" nagpapapadyak na sabi ko bago siya tinalikuran at naupo muli.

"OK, FINE! I'll buy again! Sit there! The heck is wrong with this woman?" hindi ko na narinig ang huling sinabi niya dahil nakaalis na siya.

Napangiti naman ako dahil naiimagine ko na ang itsura ng mga cotton candy!

"Miss Nephele, three tickets po."

Tumayo naman ako at lumapit sa table.

"Here! Enjoy!" nakangiting sabi ko pagkaabot ng tickets and nullifiers.

Sa tuwa ko dahil bibili na ulit ng cotton candy si Poh ay napapakanta pa ako at kumekembot.

"Ang ganda at sexy talaga ni Nephele."
"May tyansa kayang magkahiwalay sila ni Zopyros? Kapag naghiwalay sila ay liligawan ko na kaagad si Nephele."
"Tatamaan ka muna ng kidlat bago mangyari iyon, tanga!"

Bakit ba ganito magusap ang mga estudyante rito? Ang bulungan nila ay napakalalakas na naririnig ng kung sino mang pinaguusapan nila.

Sisitahin ko na sana ang mga iyon ng may tumawag sa akin.

"Nephele." napalingon naman ako kila Cheno at Schy.

"Oh, Schy? Anong nangyari sa iyo? Bakit ka umiiyak?" lumapit naman ako kaagad sa kaniya.

AEPYGERO SERIES: Love & AngerWhere stories live. Discover now