Chapter 66

22 5 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

Isang nakakapanabik ngunit nakakakilabot na pangyayari ang masasaksihan sa kaharian ng Aepygero.

Tatlong makapangyarihang Aepygerian, isa na pinagkalooban ng kapangyarihan ng apat na elemento at pagmamahal, isa na nagaangkin ng kapangyarihan ng apoy at isinumpang maging sisidlan ng Diyos ng Galit, taglay niya ang kapangyarihan ng galit na siyang sumisira sa pagmamahal, at ang isa pa na nababalot ng itim na apoy at binasbasan ng kapangyarihan ni Satanas na siyang pinakamakapangyarihang kalaban ng kabutihan. Ang dalawang mitolohiyang dragon ay nasasaksihan din ng bawat mamamayan ng Aepygero. Pambihira, ito ang unang pagkakataon na masisilayan ng lahat ang kabuuang itsura ng dalawang dragon.

Ang prinsipe ng kaharian ng Pyr ay nagmistulang kampon ng kasamaan. Nababalot ito ng nagliliyab na apoy, nagngangalit na pulang mga mata at ang dating pulang buhok ay naging itim.

Ang sumpa ay nangyari na. Kapalit ng hiram na kapangyarihan ni Agape ay ang nagngangalit na kapangyarihan ni Eris.

Labis iyong ikinatuwa ni Haemon sapagkat ang Diyos ng Galit ay nasa panig niya.

Ngunit...

Lingid sa kaalaman niya ang parusa ng Panginoong Diyos sa Diyos ng Galit.

Ang mga sugo ng Diyos ay inatasang panatilihin ang kapayapaan at balanse ng bawat emosyon ng mga nabubuhay na nilalang. Isang pagkakamali ng mga sugo ng Diyos ay may kalakip na pangyayaring babago sa takbo ng mga mundo.

Ang Diyos ng Galit ay tulad ng iba pang Diyos na may malinis at purong puso. Ngunit, dahil sa kasakiman at galit ng isang Aepygerian ay nagawa nitong sirain ang balanse ng emosyon ng galit, kung saan nawalan ng kontrol si Eris.

Ikinulong si Eris sa katawan ng Aepygerian na puno ng galit. Tanging kapangyarihan ni Satanas ang maaaring magpalaya sa kaniya sa pagkakakulong ngunit kinakailangang humanap ni Eris ng sisidlan na mayroong busilak na puso at puno ng pagmamahal. Kailangang malabanan ng taong iyon ang galit at maghari ang pagmamahal upang tuluyan siyang makalaya sa naguumapaw na galit at makabalik sa Alympos.

Iyon ang hindi alam ni Haemon. Siya ang naging susi upang makakawala si Eris sa katawan ng matagal nang patay na Aepygerian at mahanap ang kaniyang sisidlan.

Ngunit tila umaayon kay Haemon ang pagkakataon. Tuluyang nilamon ng galit ang prinsipe ng Pyr Kingdom kaya't nasa panig niya ito.

Kaagad na lumipad ang dalawa at sinugod ang prinsesa.

Tanging si Haemon lamang ang ginagantihan ng atake ng prinsesa at panay ang ilag sa atake ng nobyo.

Ang kalangitan ay parang nagkaroon ng maliliwanag at makukulay na paputok dahil sa mga sumasabog na atake ng tatlo.

Ang dalawang higanteng dragon ay nasa himpapawid din habang sumasabay sa bawat atake ng prinsesa at ni Haemon. May mga sariling isip at kusang umaatake.

Ang prinsesa ay nahihirapang lumaban dahil hindi magawang saktan ang nobyo na walang pagaalinlangan siyang sinusugod. Hindi niya kayang saktan at bigyan maski isang galos ang nobyo. Ito ang kahinaan at lakas niya kaya't hindi niya ito magawang atakihin.

'Nasaan na si Niko?' tanong ng prinsesa sa sarili.

*Sa Kastilyo*

Sa loob ng kastilyo ay makikita sila prinsipe Cheno at Alethea na hinahanap ang kwartong kinaroroonan ng Ippotis ng prinsesa. Nang marating ang pinakahuling kwarto sa tuktok ng tore ay nakita niya ang hinahanap na walang malay.

"Niko! Tangna!"

Hindi sila makapaniwala sa itsura nito ngayon dahil tila nalapnos ang kaliwang bahagi ng katawan nito.

AEPYGERO SERIES: Love & AngerWhere stories live. Discover now