Chapter 41

17 5 15
                                    

Dedicated to twoamwriter, ClariceLegacion & YoungHeartist

ATHANA'S POV

"Pucha! Akala ko katapusan ko na!" sigaw bigla ni Cheno nang mawala yung dalawa.

"HAHAHAHAHA! Gag0, kanina pa ko tumatawa dahil sayo hindi sa pinapanuod natin! Sobrang putla mo na, bro!" pangaasar ni Ice dito.

"Tarantado! Halos maihi na ko dito sa kaba ko! Yung mata ni Zopyros parang handa akong tustahin ng kidlat!"

"HAHAHAHAHA!" sabay-sabay naming tawa.

"Siguro pag balik ng dalawang yon, ok na sila. Si Anee pa, eh marupok yon." sabi ko.

"Kung alam ko lang, inaantay lang noon na lambingin siya ni Zopyros." sabi ni Trite.

"Sana nga maging ok na sila." sabi ni Allai.

Tinuloy na ulit namin ang panunuod at napuno muli ng tawanan ang buong headquarters.

Ito namang si Effie eh kanina pa nakayakap sa bewang ko. Ginawa na akong unan.

"I love you, baby." pang thirty-two na sabi niya na nyan ngayon.

"I love you too, baby." pang thirty-two na rin na sagot ko.

Every time na babanggitin ko iyon ay humihigpit ang yakap niya sa akin at namumula ang tenga.

"Baby?" tawag niya.

"Bakit?" tanong ko nang hindi lumilingon sa kaniya at nakatutok lang sa pinapanuod.

"Baby?" tawag niya ulit.

"Bakit, baby?"

"Baby?"

"Ano yon?"

"Baby Ischyra?"

"Hmm?"

"Baby Athana?"

"Why?"

"Baby Zotiria?"

"Why, baby?"

"Baby Ischyra, baby Athana, baby Zotiria, my three-in-one baby Ischyra Athana Zotiria!" tawag niyang muli kaya nilingon ko na.

"Ang haba non ah?" sabi ko.

"Utang na loob, Pyrrhos! Oo na baby mo na si Schy! Edi ikaw na may baby! Pasintabi naman sa aming walang binebaby diba?!" pabirong sabi ni Sebi na ikinalingon naming lahat.

"Oo nga! Pasintabi naman sa amin!" - Cheno
"Babe, saan ba nagmana yan si Pyrrhos?" - Ice
"Kay ama. Parehas na parehas sila." - Trite
"Hehehe, ang cute niyo!" - Allai
"Seb, ok ka lang?" - Elissa

Napatitig na lang kami ni Effie kay Sebi na nakatayo ngayon.

"Hoy, umupo ka nga. Di ka pa nasanay dyan kay Pyrrhos." sabi ni Elissa dito at pinaupo iyon.

Naguusap pa rin sila pero tila hindi ko na sila maintindihan at marinig. Puro pagbuka na lang ng mga bibig nila ang nakikita ko pero wala akong naririnig na kahit ano doon.

Naramdaman ko ang biglaang pagkalas sa yakap ni Effie at ihinarap ako sa kaniya. Kita ko ang matinding pagaalala sa mukha niya na nagpakunot ng noo ko.

"Bakit?" sabi ko pero tila wala akong narinig na lumabas na salita sa bibig ko.

Nagsasalita si Effie pero wala akong naririnig. Bakas na sa mukha niya ang takot at pagaalala.

AEPYGERO SERIES: Love & AngerWhere stories live. Discover now