Chapter 26

40 20 0
                                    

ATHANA'S POV

Sabado ngayon, bukas ay birthday ko na. Kasalukuyan akong nakahiga sa kama ko at malalim ang iniisip.Naalala ko iyong gabing nanakit ang dibdib ko. Hindi ko maipaliwanag kung bakit tuwing malapit sa akin si Effie ay humuhupa ang sakit. Para bang siya ang gamot na kailangan ko. Hindi rin mawala sa isip ko ang nalaman ko ng gabing iyon.

*FLASHBACK*

Naramdaman kong may tumabi sa akin kaya't nagising ang diwa ko pero nanatili akong nakapikit.

Alam na alam ko kung sino iyon dahil sa pamilyar na amoy nito. Si Effie.

Hinimas niya ang pisngi ko ng marahan. Narinig ko rin ang pagbuntong-hininga niya.

"Zotiria.." iyan na naman ang pagtawag niya sa akin sa ganoong pangalan. Napakaganda sa pandinig kapag tinatawag niya ako sa pangalang iyon, para bang dati ko na iyong naririnig mula sa kaniya.

"Sana ay mapatawad mo ako. Zotiria.."

Mapatawad? Bakit? May ginawa ba siyang mali para patawarin ko siya? Ano bang sinasabi niya?

"..mahal ko."

*Tug-Dug*

*Tug-Dug*

*Tug-Dug*

*Tug-Dug*

*Tug-Dug*

*Tug-Dug*

Bumilis ng todo ang tibok ng puso ko sa huling sinabi niya. Mahal.. mahal niya ako? Totoo ba iyong narinig ko? Tama ba ang pagkakaintindi ko?

Hinalikan niya ako sa noo, naramdaman kong tumayo siya at narinig ang pagsara ng pinto.

Napadilat ako at nakitang wala na akong kasama sa kwarto... ni Effie. Hawak ang dibdib kong hinahabol ang aking hininga dahil halos hindi ako huminga kanina ng marinig iyong sinabi niya.

"Effie.."

*END OF FLASHBACK*

*Knock Knock*

Naputol ang pagbabalik-tanaw ko ng makarinig ng katok.

Tumayo ako upang buksan ang pinto. Isa iyong maid.

"Mahal na prinsesa, handa na po ang hapunan. Ipinatatawag na po kayo ng mahal na hari at reyna." magalang na sabi nito.

"Ok, susunod na ako. Salamat." nakangiting sabi ko dito.

Nagpalita muna ako ng damit bago bumaba at sumalo sa pagkain.

Habang kumakain ay nagsalita si daddy.

"Are you ready for tomorrow, princess?" nakangiting tanong niya.

"Of course, dad! I'm more than ready!" nakangiting sabi ko.

"Parang kailan lang ay maliit ka pa, ngayon ay dalaga kana. Sana rin ay may maipakilala ka na sa amin na manliligaw dahil ayaw naman naming kami ang pumili ng mapapangasawa mo kung wala ka pang nobyo pagtapak ng bente anyos." sabi ni mommy.

"Hmm, I don't know yet, mom."

"Eh may nagugustuhan na ba ang bunso natin?" mapangasar na tanong ni daddy.

Nahiya naman ako at naramdamang naginit ang pisngi ko.

"Mom, dad, I.. uhm.. I think, I do like someone." nahihiyang pag-amin ko. Bata pa lang ako ay close na kami nila mommy at daddy, maski si ate, lahat ay sinasabi namin sa kanila. Pero nitong mga nakaraan ay naging busy sila kaya't hindi na kami gaano nakakapag-usap. Isa pa ay sa academy na rin ako nagi-stay kaya't madalang ko silang makasama at makausap.

AEPYGERO SERIES: Love & AngerOnde histórias criam vida. Descubra agora