Chapter 35

13 7 0
                                    

Dedicated to CiaraMayRobles, aesthene_messy & DaffMontefalco

ELISSA'S POV

Pagkatapos kumain ay dumaretsyo kami sa Schyanee boutique. Tulad ng sabi namin ay sagot namin ang mga  mapipili niya.

"This will look good on you! Try this!" excited na sabi ni Nephele.

"Nako! Hindi ako sanay magsuot ng ganyan." namumulang umiling-iling si Allai.

Ganyan na ganyan rin ang reaksyon ko noong una nila akong pilian ng damit sa boutique nila. Sanay ako sa mga sweater at hindi sa mga kinulang na telang pangitaas. Pero dahil sa impluwensya nila ay nasanay na lang ako.

"Oops! Bawal kang tumanggi. Dali try mo ito." sabi muli ng isa at hinila pa si Allai sa fitting room.

Habang nasa fitting room si Allai ay kuha naman ng kuha ng damit ang tatlo na para kay Allai. Napailing na lang ako sa dami noon. Paniguradong magugulat itong si Allai at tatanggi na naman. Kapag talaga itong tatlo ang kasama mo magshopping hindi ka uuwi nang nasa lima lang ang bitbit na paperbags.

Mabuti na lang nga at nasama kaming magkakapatid sa Ischyros dahil mas mataas ang incentives. Dahil doon ay may sapat kaming pera para sa mga ganitong bagay. Ang incentives kasi ay ang nagsisilbing pera sa mundo namin. Ang natatanggap na sahod ng mga trabahador dito sa mundo namin ay hindi pera kundi sustento ng mga pangunahing pangangailangan namin. Ang pera ay incentives lang dahil hindi iyon ang nagpapatakbo sa mundo namin. Pero binibigyan din naman ang mga trabahador ng incentives ngunit depende sa klase ng trabaho nila. Mas malaki ang incentives na nakukuha ng mga trabaho na ginagamitan ng lakas ng katawan.

"Wow! Oh diba! Bagay na bagay sayo!" sabi ni Athana nang lumabas na sa fitting room si Allai.

Ang suot niya ngayon ay kulay pink na tube na tinernohan ng checked skirt.
Tingin ko naman lahat ng damit na narito ay babagay sa kaniya. Maliit ang katawan niya na tama lang ang hulma katulad ng kay Athana, mas mataas nga lang siya ng kaunti rito.

Tulad ng inaasahan ko ay nagulat ito sa dami ng damit na kinuha ng tatlo para sa kaniya. Tinanggihan niya iyon ngunit wala na siyang nagawa ng ipabalot na namin ang mga damit. Bumili rin ako ng ilang damit para sa sarili ko at doon sa dalawa.

Paglabas ng boutique ay naramdaman ko na naman ang presensya ng lalaking tinutukoy ni Cheno. Kung ibabase sa presensya ng mga narito sa park ngayon ay masasabi kong hindi namin ito kaedad. Tingin ko ay mas matanda ito sa amin ng isangdaan at limampung taon.

Alam ko ang eksaktong lugar na kinatatayuan niya ngayon pero hindi tulad ni Cheno, hindi ko siya nakikita.

"Guys! Let's go to our hideout!" pagaaya ni Nerees.

"May hideout kayo?" sabay na tanong nung tatlo.

"Oo! Matagal na rin simula ng huling pumunta kami doon. Secondary pa kami noong huling punta namin doon dahil hindi pa naman ganoon kabusy."

"Wow! Tara! Saan ba iyon?" tanong ni Athana.

"Sa Orio Dasos, sa likod ng academy. Magteleport na lang tayo kasi bawal magpunta sa parteng iyon ang mga students lalo kung sa academy pa tayo dadaan paniguradong may mga bantay doon." (A/N: Orio Dasos, pronounced as Or-yo Da-sos, o Boundary Forest, a forest that separates the Exoria and Topi)

"Let's go! Exciting! May bago na naman kaming maeexplore!" tuwang-tuwang sabi Nephele.

Bago marating ang parteng iyon ay lalakarin pa namin ang bungad ng Orio Dasos na nasa tatlumpung minuto kapag nilakad. Kaya nagteteleport na lang kami papunta roon, dahil tulad nga ng sinabi ni Nerees ay hindi kami pwedeng magtungo roon, sadyang matitigas lang ang ulo namin.

AEPYGERO SERIES: Love & AngerWhere stories live. Discover now