Chapter 45

16 5 3
                                    

Dedicated to Winterlyie, chemmyz, mikhailazy & CiaraMayRobles

PANTODYNAMOS'S POV

Gabi na kaya't pinatigil ko ang oras at nagpunta na ulit sa Alympos. Pagdating doon ay sinalubong ako kaagad nila Bion at Agape. Si Than naman ay wala na naman, mukhang naglalakbay na naman sa kung saan.

"Nakalabas na siya." wika ni Bion.

Napatingin ako kaagad sa kaniya pagkasabi niya noon. Nakuha ko kaagad ang ibig niyang iparating.

"Kaya pala." sabi ko.

"Kailangan mo na rin siyang kalabanin." makahulugang sabi ni Agape. Iba ang tinutukoy sa naunang sinabi.

Nagpunta ako rito para magsanay ulit. Wala akong ibang ginawa dito kundi ang sanayin ang paggamit ng mga kapangyarihan ko tulad ng iniutos ng hari at reyna. Noong una ay mahirap dahil matagal itong natulog sa katawan ko. Dito ko lang nagagamit sa Alympos ang kapangyarihan ko dahil hindi ko pa ito pwedeng magamit sa Aepygero. May kailangan pa ako para maisagawa iyon.

"May kailangan pa akong gawin bago iyon."

"Alam namin. Iyon lang ang tanging paraan para makuha mo na ng lubos ang kapangyarihan mo. Pero kailangan mo muna siyang kalabanin. At para makalaban mo siya ay may kailangan ka ring kunin." mahabang sabi ni Bion.

"I'm back!!!!" malakas na sigaw ni Than.

Napailing na lang ako habang ang dalawa ay napabuga ng hangin.

"Can you lower down your voice, Than." masungit na sabi ni Bion.

Akala ko noong unang pagkikita namin nila Bion, Than at Agape ay magiging tahimik ang paligid ko. Pero hanggang akala lang iyon dahil napakaingay palagi ni Than at Bion. Habang si Agape ay pinapanuod lang silang dalawa.

"Baby Wifeeee!!!!!!! I miss youuuu!!!!" sigaw ni Than papalapit kay Bion.

"I said lower down your voice! And please, stop shouting. You might cause an earthquake again!"

"Oww. Sorry baby wife. Did I cause an earthquake recently?" takang tanong ni Than.

"Yes you did, look at the mortal world."

"Ok. I'll be silent next time." ngiting-ngiting sabi ni Than.

"Better."

Napatingin naman sa akin si Than.

"Ohh!!!!! You're hereeee!!!!" sigaw ulit ni Than.

"THAN!!"

Nanlaki naman ang mata niya sa sigaw ni Bion at tumakbo.

"Sorry, babyy wifeeee!!!" sigaw niya na naman habang tumatakbo.

"I said. LOWER DOWN YOUR VOICE AND STOP SHOUTING!"

Tinignan ko naman si Agape na ngumunguya pa habang pinapanuod iyong dalawa.

"There's an earthquake again." sabi pa nito.

"Than! Did you hear what she just said?!"

"YES BABYYY WIFEE! I CAN HEAR YOU FROM HERE! CAN YOU HEAR ME?!"

Napatampal na lang ako sa mukha ko dahil sa lakas ng sigaw ni Than.

"Ohh. Hundreds of earthquakes all at once. Poor thing." malungkot na sabi ni Agape.

AEPYGERO SERIES: Love & AngerWhere stories live. Discover now