Chapter 8

51 19 0
                                    

A/N: credits to the rightful owners of the photos. For imaginary purposes.

NEPHELE'S POV

"Bakit?" tanong ko kay Seb.

"Ipahinga mo iyang paa mo ha! Dahil bukas haharapin natin iyong bruhang naglagay ng bato sa track mo." sabi nito.

"Huh?" nagtatakang tanong ko.

"Nalaman kasi namin na may naglagay noong bato sa track mo. Kaya bukas haharapin natin iyon." sabi ni Nerees.

"Ah ganoon ba? Sige. Salamat sa inyo." iyon lang at sumakay na kami sa elevator.

Pagdating sa dorm ay kumain muna kami bago nagpahinga at natulog.

*KINABUKASAN*

Hapon pa ang klase namin pero bago magtanghali ay pumasok na kami. Nagpunta muna kami ng library para malaman ang tungkol sa Pantodynamos. Isang oras din ang tinagal namin doon nang sunduin kami nila Seb at Nerees sa library dahil kakausapin pa daw namin iyong naglagay ng bato sa track na tinatakbuhan ko.

"Sino ba kasi iyon?" takang tanong ni Schy.

"Si Sophia, telekinesis ang powers niya." sabi ni Nerees habang naglalakad kami papunta sa building A. Nasa building B kasi ang library.

"Nanggigigil ako sa babaeng iyon." sabi ni Seb.

"Teka! Sigurado ba kayo dyan? Paano niyo naman iyon nalaman?" naninigurong tanong ko.

"Eh kasi kahapon nung dinala ka sa clinic lumapit sa amin si Kristine, classmate natin. Nakita daw niya si Sophia na nandoon sa oval noong sabay-sabay tayong tumatakbo, sakto naman na nauuna sila ng grupo niya sa atin at nakita niya si Sophia na ilagay yung bato sa track mo gamit ang kapangyarihan nito." mahabang paliwanag ni Seb.

"Bakit naman niya iyon ginawa?"

"Iyon nga ang aalamin natin. Bakit niya yon ginawa sayo." sagot nito.

Apat pa lang kami ngayon dahil hindi na nila pinaalam iyon sa mga kaibigan namin.

"Hala sila Seb! Anong ginagawa nila dito sa floor natin?"

"Hindi mo ba alam yung nangyari kahapon?"

"Girl, huli ka sa balita."

"Ano ba kasi iyon?"

"Kahapon kasi may binangga si Sophia na kaibigan nila Seb, ayun oh yung dark blue ang buhok."

Wow! Alam na agad iyon sa buong academy? How come? Kunsabagay hindi lang kami ang tao sa oval noong oras na iyon dahil may mga nakatambay na students doon.

"Pakitawag naman si Sophia. Salamat." mataray na sabi ni Seb sa classmate ata ni Sophia na nakatambay sa pinto ng classroom.

"Sino ba kasi iyon? Sayang ang ora—, oh! Hi, Seb, Nerees! And—, tsk." ang bait itsura nito noong makita sila Seb pero nung kami na ang tignan niya ay tinignan kami nito mula ulo hanggang paa.

"Anong kailangan niyo, bakit niyo ako pinatawag?" mukhang mabait na baling nito kila Seb.

"I'll go straight to the point, bakit mo nilagyan ng bato yung track ni Nephele?" mataray na tanong ni Seb.

Hindi ko naman lubos naisip na palaban pala ang mga ito. Ni hindi ko nga naisip na sinadyang lagyan ng bato sa track na tinatakbuhan ko.

"Oh? So, that's her name? So lame." inirapan pa ako nito.

AEPYGERO SERIES: Love & AngerWhere stories live. Discover now