Chapter 36

18 6 6
                                    

Dedicated to GZellexx08 & RheaDesmund

SEB'S POV

"Bilisan niyo na nga dyan dahil baka dumating na sila. Lalo kayong malalagot nito kapag dumating silang hindi pa nalilinis itong buong headquarters." sabi ko dahil puro nakaupo na sila sa sofa.

"Teka lang Seb. Nakakapagod kaya magbuhat ng mga gamit. Iparenovate ba naman itong buong headquarters." reklamo ni Ice.

"Hapon na, ano mang oras pwede nang umuwi ang mga iyon. Huli naman na itong sala kaya tumayo na kayo dyan. Tatarayan na naman ako ni Elissa nito, eh!" pagmamaktol ko.

"Sabihin mo, takot ka lang kay Elissa." pangaasar pa ni Cheno.

Kinuha ko ang unan at hinagis sa mismong pagmumukha niya.

"Let's go, I don't want to be scolded again." tumayo na si Zopyros at kumuha ng panglinis.

Hay, salamat naman.

Inayos namin ang mga gamit base sa pagkakadrawing nila kung saan dapat ilipat at ipwesto ang mga iyon. Lahat ng kwarto ay ipinaayos nila maski ang kwarto ni Pyrrhos.

*SHATTER*

Napalingon ako ng may marinig na nabasag.

"Shiiitttt......." pahina ng pahinang sabi ni Ice.

"Ano iyon?" tanong ko.

"Lagot ka, Cheno!" sigaw ni Ice.

"Ano ba iyon?" tanong ko muli at lumapit sa kanila.

"Iyong group picture nila Nerees nabasag ang frame."

"Naku! Lagot talaga tayo nito! Dalian niyo humanap kayo ng pamalit na frame!" utos ko.

"Sabi ko kasi sayo, Cheno, saglit lang eh." sabi ni Ice.

"Eh, hindi ko narinig kaya binuhat ko na dito sa kabilang dulo." napapakamot sa batok na sabi ni Cheno.

Ang nangyari pala ay bubuhatin sana nila itong drawer na pinaglalagyan ng mga pictures namin, ang kaso iyong kabilang side lang ang naiangat kaya't nagtumbahan ang mga picture frames at nalaglag iyong first group picture ng mga girls.

"Ah, guys. May kakaiba akong pakiramdam." sabi ni Chronis.

"Ano naman iyon?" tanong ko sa namomroblemang tono.

Pag talaga naabutan kami ng mga iyon paniguradong bubungangaan na naman kami. Aish!

Eh, teka nga, bakit ba ako natatakot! Di ko naman nobya ang mga iyon!

"Tingin ko, may di magandang nangyayari." sabi ni Chronis na ikinalingon ko.

"Meron talaga. Nasira itong first group picture nila, malilintikan talaga tayong lahat." sabi ko.

"Hindi iyon. Tingin ko ay may nangyayari sa kanila ngayon." sabi muli ni Chronis na ikinakunot ng noo ko.

"Ano bang sinasabi mo, Chronis? Huwag ka ngang magsalita ng ganyan." sabat ni Ice.

*ARH-WOOOOOOOOOO*

"SHIT! CHRONIS! SI VERSA IYON!" sigaw bigla ni Cheno.

"Ano bang nangyayari?!" natatarantang tanong ko.

"NARINIG NIYO IYONG ALULONG NA IYON? SI VERSA IYON! NANGHIHINGI NG TULONG SI VERSA! NASA PANGANIB SILA ELISSA!" hysterical na sabi ni Cheno.

AEPYGERO SERIES: Love & AngerWhere stories live. Discover now