Chapter 53

18 5 2
                                    

Dedicated to Leyreign_WP, h1nEy025 & anthonettemahomot123

ATHANA'S POV

Linggo na ngayon. Nandito ako sa kwarto ko at iniisip kung kakausapin ko ba si Effie.

Kahapon ay puno ako ng tanong at pagtataka. Hindi niya ako gaano kinakausap. Hindi, mali. Maski sino ay hindi niya kinakausap.

Napakatahimik niya at walang kinikibo maski isa. Kapag kakausapin ko naman ay biglang iiwas. Kapag kumakain ay lagi siyang nauunang matapos at basta na lang aalis sa hapagkainan kahit hindi pa kami tapos. Ang bilis din uminit ng ulo niya kapag binibiro nila Ice. Maski nga sina Trite ay nagtataka na sa ikinikilos ni Effie.

Kailangan ko siyang makausap.

Tumayo ako at lumabas ng kwarto.

Tinignan ko sila sa sala na nunuod pero wala doon si Effie.

"Ahh, where's Effie?" tanong ko.

"Nasa kwarto niya, Schy." sagot ni Trite ng hindi ako nililingon dahil tutok na tutok silang lahat sa pinapanuod. Si Effie lang ang wala doon.

Pumunta ko sa harap ng pinto ng kwarto ni Effie at tumitig muna doon.

You need to talk to him, Schy. Baka nagtatampo rin siya sa iyo dahil noong nakaraang linggo ay masyadong okupado ang isip ko.

Oo nga! Tama! Baka nagtatampo sa akin si Effie!

Huminga ako ng malalim bago kumatok sa pinto.

*Knock Knock*

Pagkakatok ko ay marahan kong binuksan ang pinto at sumilip muna doon.

Nakita ko naman si Effie na nakaupo sa kama niya at nagbabasa. Tumingin siya sa gawi ko.

"Pwedeng pumasok?" nakangiting tanong ko. Tumango naman siya kaya't pumasok na ako.

Sinara ko muna ang pinto bago nakayukong lumapit sa tabi ng kama niya.

"Have a sit." sabi niya at pinagpatuloy ulit ang pagbabasa. Bakit parang ang cold ng tono niya? Baka nagtatampo talaga ito?

Naupo naman ako sa pinakasulok ng kama.

Magsasalita na sana ako pero naunahan niya ako.

"What do you need, Athana?"

Nagulat ako sa sinabi niya. Kasabay ng gulat ko ay ang panlalamig ng dibdib ko at kaunting kirot sa puso ko.

Tama ba ako ng rinig?

Athana ang tinawag niya sa akin hindi Zotiria o kaya Baby?

Aish! Ano ka ba? Pangalan mo naman iyong Athana! Masyado na akong nag-o-over think.

Tumikhim naman ako at ngumiti.

"Hmm. Kukumustahin lang kita, baby." pinasigla ko ang tono ko kahit nararamdaman ko pa rin ang kaunting kirot sa puso ko.

Lumingon naman siya sa akin ng nakakunot ang noo.

"I'm fine. Why do ask?" seryosong tanong niya.

"Ahh, wala naman. Ano... Kasi... Namimiss na kita. Hehehe!" lalo namang kumunot ang noo niya.

Hindi naman na siya nagsalita at bumaling na ulit sa binabasa.

Napanguso naman ako at nagpipigil na maiyak.

"Uhm... Effie... Nagtatampo ka ba?"

"..."

AEPYGERO SERIES: Love & AngerWhere stories live. Discover now