Chapter 67

23 4 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

Nasaksihan ng lahat ang nakakabagbag-damdaming pangyayari. Ang kaninang saya ng lahat na muling makitang buhay ang prinsesa ay napaltan ng mas matinding pighati.

"ZOTIRIIIIAAAAA!!!!!"

Napahagulgol ang lahat sa malakas na pagdadalamhati ng prinsipe ng Pyr Kingdom.

Lahat ay nasasaktan at nararamdaman ang sakit at paghihinagpis ng prinsipe.

Hindi magawang magdiwang ng lahat sa pagkapanalo nila sa digmaan. Para bang sila pa ang natalo dahil sa pagkawala ng prinsesa.

"No... No! Please! Panginoon, huwag muna! Bigyan mo pa ako ng ilang sandali! Parang-awa mo na!!!" pagmamakaawa ng prinsipe sa Panginoong Diyos ng magliwanag ang katawan ng prinsesa.

Yinakap ng mahigpit ng prinsipe ang walang buhay na katawan ng prinsesa.

"No... Please! Baby... I'm so sorry. Please, forgive me, baby. Mahal na mahal kita. Hahanapin kita. Hahanapin kita sa kabilang buhay. O kung magkaroon man tayo ng ikalawang buhay, hahanapin kita. Lahat ng hindi natin nagawa dito sa mundong ito ay gagawin natin, baby. Lagi tayong papasyal. Lagi tayong kakain. Lagi tayong magkukwentuhan. Lagi kitang lalambingin. Gagawa tayo ng pamilya. Bubuo tayo ng pamilya, baby. Naririnig mo ba ako? Bubuo tayo ng pamilya. Lahat ng hindi natin nagawa dito ng magkasama ay gagawin natin sa susunod na buhay. Ikaw lang ang gusto kong makasama habang-buhay, Zotiria. Hintayin mo ako. Hintayin mo ako, ha? Patawad, mahal ko. Mahal na mahal kita. Hindi na ako magmamahal pa ng iba. Mananatili kang buhay sa puso't-isipan ko, Zotiria. Mahal na mahal na mahal kita, Baby Ischyra, Baby Athana, Baby Zotiria, my three-in-one baby Ischyra Athana Zotiria. Mahal na mahal. Hintayin mo ako, mahal ko. Hanggang sa muli." hinalikang muli ng prinsipe ang labi ng prinsesa hanggang sa maglaho ang katawan nito at maging isang Ensoma.

"ZOTIRIA! MAHAL NA MAHAL KITA!" humahagulgol na sigaw ng prinsipe na siya ring nagpahagulgol sa lahat ng nakakasaksi sa kaniyang pagluluksa.

Yinakap niya ang puti na may halong gintong Ensoma ng prinsesa. Sa pagyakap niya dito ay naramdaman niya ang isang bagay. Ang kwintas na ibinigay niya sa prinsesa noong kaarawan nito. Ang kwintas na nagsisimbolo sa pagmamahal niya rito. Ang kwintas ng Eternal Love.

Nanghihinang lumapit ang Reyna Isyria sa kinaroroonan ni Pyrrhos bago yumakap dito at sabay silang humagulgol.

"She's gone. She's really gone. I killed her. I killed the woman I dearly love. I killed the woman who's supposed to be my wife. I killed the woman who's supposed to be the mother of my children. I killed the woman who gave her life to me. I'm sorry. I'm so sorry. I'm sincerely sorry."

Nagliwanag ang katawan ni Pyrrhos.

Isang puting enerhiya ang lumabas mula sa katawan niya. Isang makapangyarihang enerhiya.

"Pyrrhos, Prinsipe ng Pyr Kingdom..."

Mula sa pagkakayuko ay tiningala ng prinsipe ang bulto ng tao sa kaniyang harapan.

Tatlong liwanag naman ang sumibol at bumababa mula sa kalangitan. Nang tumapak ang mga ito sa lupa ay nawala ang liwanag.

Nanlalaki ang matang tinignan ng mga Aepygerian ang tatlong Diyos at Diyosa bago yumuko at lumuhod ang mga ito.

"Eris... Malaya ka na." nakangiting bati ng Diyosa ng Pagmamahal kay Eris, na Diyos ng Galit.

"Agape..."

Lumapit ang tatlong Diyos at Diyosa sa tabi ng Diyos ng Galit.

"Pyrrhos, patawad." sinserong sabi ng Diyos ng Galit.

Tumayo si Pyrrhos na hawak pa rin ang kwintas at Ensoma ng prinsesa.

"Ito ang gusto ni Zotiria. Gusto niyang wakasan ang hindi pagkakabalanse ng mundo. Gusto niyang maghari muli ang pagmamahal. Wala kayong dapat ihingi ng tawad. Kami ang dapat humingi ng tawad sa inyo."

Lumuluhang lumuhod muli ang prinsipe sa harap ng mga Diyos at Diyosa.

"Patawarin niyo kami. Patawarin niyo kami sa aming pagiging makasalanan."

"Ang nais ng Panginoong Diyos ay mapanatili ang kapayapaan sa mundo. Manaig ang pagmamahal laban sa galit. Ang galit ay walang maidudulot na maganda, bagkus ay kaakibat nito ang sakit at paghihinagpis. Sikapin ninyong panatilihin ang pananaig ng pagmamahal, sapagkat ito lamang ang tanging tatalo sa galit."

Matapos sabihin iyon ng Diyos ng Galit ay lumapit si Agape sa prinsipe at inakay ito patayo.

"Pyrrhos, maraming salamat. Maraming salamat sa inyo ni Athana."

Matamis na ngumiti sa kaniya ang mga Diyos at Diyosa bago ito unti-onting naglaho.

"Mahal na reyna..." tawag ng isang babae kay Reyna Isyria.

"Alethea..." lumuluhang tawag nito sa babaeng bagong dating.

"Patawad, mahal na reyna. Ginawa ko ang lahat ng aking makakaya upang pigilan ang sumpa. Patawad, nabigo ako." nakayukong sabi ng babae.

"Salamat dahil sinubukan mo pa ring iligtas ang anak ko, Alethea."

Nagpalipat-lipat ang tingin ng Ischyros sa babaeng bagong dating na tinawag na Alethea ng reyna at sa Alethea na kinilala nila bilang isang Pantodynamos.

Naiilang naman ang kinilalang Pantodynamos dahil pakiramdam nito ay siya ang kinakausap ng reyna.

"Pyrrhos, maaari ko bang kuhanin ang Ensoma ng prinsesa upang gawaran ng Deisi."

Mahigpit munang yinakap muli ng prinsipe ang Ensoma bago ito hinalikan at ini-abot sa babaeng nagngangalan ding Alethea.

Ang babaeng bagong dating ay nagngangalang Alethea Sychi, ang natitirang Goissa sa Aepygero.

Dumaretsyo ang lahat sa Sovari Aithousa upang doon alayan ng dasal ang yumaong prinsesa.

Lumuhod ang lahat ng mailagay ng Goissa ang Ensoma sa altar.

Tahimik na umiiyak ang mga ito habang isinasagawa ang pagaalay ng dasal, respeto at pamamaalam sa prinsesa.

Matapos ang paggawad ng Deisi ay lumabas muli ang lahat. Gamit ang kapangyarihan ng Goissa ay ibinalik niya sa dating ganda ang buong Aepygero. Ang Ensoma ng mga yumaong prostatis at mamamayan ng Aepygero ay idinikit ng Goissa sa malaking bakod na siyang pumoprotekta sa kaharian. Ang dating kulay puting bakod ay naging makulay at makinang. Ang kanilang katapangan at katapatan ay habang-buhay na tatanawin ng buong Aepygero. Ang kanilang legasiya ay mananatiling buhay.

Maging ang estatwa ng babae sa harapan ng akademya ay nagkaroon ng pagkakakilanlan. Ang dating walang hulma nitong mukha ay naging hulma ng mukha ng yumaong prinsesa.

Nang sumunod na araw ay nanatiling tahimik ang buong Aepygero. Wala ni isang ingay ang maririnig. Tanging huni ng mga ibon, pagaspas ng dahon, at ihip ng hangin ang maririnig sa buong Aepygero.

Bumalik ang dating ganda ng Aepygero, ngunit nawala ang sigla nito.

AEPYGERO SERIES: Love & AngerWhere stories live. Discover now