Chapter 34

14 7 1
                                    

Dedicated to chemmyz & MinnieShang

ICE'S POV

Dumaan ang apat na araw pagkatapos ng nangyari noong naglaro kami ng volleyball. Hanggang ngayon ay nakasplint pa rin ang braso ko. Sa loob ng apat na araw ay walang kupas sa pagalaga sa akin si babe.

Para akong bakla ni kinikilig kapag papasok siya ng kwarto ko upang ayusin o kaya ay palitan ang splint. At lalo na kapag nagdadala siya ng umagahan. Hindi kasi ako makasabay sa kanila ng agahan dahil ayokong lumabas ng kwarto nang hindi pa naliligo, kaya sinasabayan niya na lang akong kumain dito sa kwarto.

Alam ko ang iniisip niyo. Kung pwede lang na ganoong si babe ang magpaligo sa akin ay talagang hindi ko sasabihing magaling na ako.

"Oh, anong nginingiti-ngiti at tinataas-taas ng kilay mo dyan?"

"Wala babe. Ang ganda kasi ng gising ko lalo kung ikaw ang una kong makikita." kinindatan ko pa siya pero inirapan lang ako. Nagagaya na ito kay Nephele ah.

"Ibuka mo na iyang bibig mo, ahh!" ihinarap niya sa akin ang kutsara na punong-puno ng kanin.

"Uhh—, ahray kho bhabe" ngumunguyang sabi ko.

"Sabi ko ibuka ang bibig hindi umungol!"

"Joke lang babe. Ito naman ang aga-aga nakasigaw kaagad. Pero ok lang yan babe, gustong-gusto ko na naririnig ang boses mo. Kahit nakakairita minsan— ahng *ack* *cough*"

"Anong nakakairita?!"

Uminom naman ako ng tubig para malunok ang nginunguya ko. Ang sadista talaga nito. Papatayin ba ako nito? Kunsabagay, matagal na akong patay na patay sa iyo babe.

"Ano na namang itinataas-taas ng kilay mo dyan? Kung makangiti ka pa, mukha kang manyakis."

"Wala babe. Di pa kasi tapos yung sinasabi ko. Sabi ko minsan nakakairita kapag di ka nagsasalita o sumisigaw, para akong nabibingi at namimiss ko yung boses mo."

"Ubusin mo na nga itong pagkain mo. Kung anu-ano na sinasabi mo dyan. Maliligo ka pa."

"Ikaw magpapaligo sa akin babe?"

"Huwag ka ngang ngumiti ng ganyan, para kang may masamang balak. At hoy! May bali ka lang hindi ka baldado, kaya mong maligo magisa."

Ngumuso naman ako at nagkunwaring nagtatampo.

"Hindi bagay sayo, babe. Mukha kang pato."

"Hindi ka ba naaawa sa akin, babe? Ang hirap kayang maligo. Hindi ko maabot yung likod ko tapos isang kamay lang gamit ko. Paano ko malilinis ng maayos katawan ko?"

"Edi tatawagin ko si Sebi para tulungan ka."

"Joke. Sus kaya ko yon, babe. Para yon lang. Subuan mo na nga ako, ahh."

"Oh, dalian mo at pagkatapos ay maligo ka na. Aayusin ko pa iyong susuotin mo."

Haaayy. Ang sarap ng buhay kung ganitong araw-araw kang inaalagaan ng mahal mo. Pakasalan ko na kaya ito?

Ang galing mo Ice! Pwede, pwede!

"Ano na naman nginingiti mo dyan! Nabalian ka lang nagkaganyan kana. Oh, last na ito tapos maligo ka na."

Sinubo ko na iyon at nginuya at nilunok. Pagkatapos ay uminom ako ng tubig.

"Thank you, babe. I love you." nakangiting sabi ko.

AEPYGERO SERIES: Love & AngerWhere stories live. Discover now