Chapter 20

34 18 0
                                    

ATHANA'S POV

Umaga ngayon at nasa headquarters lang kami, nagpapahinga. Excused na raw kasi kami ng one week kaya hindi na kami pumasok, magpahinga na lang daw kami sabi ni ate.

Naisip ko naman na malapit na ang birthday ni Anee, kailangan ko ng makabili ng regalo.

"Guys! Punta tayo sa park! Magshopping tayo!" pagaaya ko sa mga ito.

"Ay bet! Shopping is my relaxation!"

"Tara! May kailangan din akong bilhin." sabi ni Cheno.

Nagbihis muna kami bago umalis.

Pagdating sa park ay pinagtitinginan kami ng mga tao. Nakakahiya tuloy dahil tube ang suot ko.

"Saan muna tayo?" tanong ko.

"Sa jewelry store muna, I need to buy new accessories!" natutuwang sabi ni Seb.

PYRRHOS'S POV

Pumasok kami sa isang kilalang jewelry shop. Mamahalin ang mga jewelries dito at talaga namang magaganda ang pagkakadisensyo.

Habang nagiikot sila sa shop ay may nakapukaw ng atensyon ko. Isang simpleng necklace. Ang ganda nito sa paningin at maliit lang ang pendant non. Bukod tangi iyon sa lahat ng necklace doon dahil nakahiwalay iyon ng lagayan at nag-i-isa lang. Tinignan ko ang nakalagay na pangalan ng necklace.

Eternal love

Tinignan ko ang mga kasama ko at lahat sila ay abala sa pagtingin ng mga bibilhin. Tinawag ko ang isang saleslady.

"Kukunin ko ito."

"Nako! Hindi po kayo magsisisi sir! Nag-i-isa lang ang ganitong design ng necklace sa buong Aepygero."

Kinuha ko na iyon at binayaran sa cashier.

"Bumili ka rin? Bagong hikaw mo no'?" panguusisa ni Nerees.

"Wala ka na doon!"

"Napakarami mo pang hikaw na hindi ginagamit! Ano ba iyon? Display?"

"Oo. Collection ko iyon. Wag kang paepal dyan."

Marami kasi akong hikaw, collection ko ang mga iyon. Sa kwarto ko sa headquarters ay konti lang ang hikaw na nandoon, ang lahat ng collection ko ay nasa kwarto ko sa kastilyo.

"Tara na! Nakabili na kami!" sabi ni Seb kaya't lumabas na kami.

Kung saan saan pa kami nagpunta, maski furniture shop ay pinuntahan namin. Bumili sila ng mga gamit na kailangan sa headquarters.

"Guys! Picture ulit tayo dali!"

"Dali! Athana, dito oh maganda background!" sabi ni Seb.

Nagpicture nga kami doon, may solo at magkakasama.

"Ok lang ba sa inyo na magpicture kasama kayo, gusto ko lang magkaroon ng pictures sa bawat isa sa inyo!" sabi ulit ni Athana.

"Syempre naman no'! Feeling ko tuloy ang ganda-ganda ko dahil ang prinsesa ng buong Aepygero ay gustong magpapicture sa akin!"

"Feelingera to! Sa amin din no'! Hindi lang sayo! Hahahaha!" pangaasar ni Nerees.

Nagpicture na nga sila. Pagkatapos kay Nerees ay lumapit sa akin si Athana.

"Oi! Effie, ngumiti ka ha! Gusto ko yung totoong ngiti."

"Oo na."

"One.. Two.. Three.. Smile!"

*click*

AEPYGERO SERIES: Love & AngerWhere stories live. Discover now