Chapter 47

12 4 0
                                    

Dedicated to silentfurrycat, paGoatduck & PerfectlyXIncomplete

ATHANA'S POV

Nandito ako ngayon sa kwarto ni Elissa. Oops, hindi na basta sa guest room ah. Katabi na ng kwarto ko ang kwarto niya. Maski iyong kila Cheno at Chronis.

Maaga pa ay inaayusan na kami dahil tanghali gaganapin ang seremonya. Kailangan kasi muna nilang tanggapin ang kanilang mga korona at titulo bilang mga prinsesa at prinsipe.

"Naeexcite na ako! For sure magugulat sila Trite!"

"Bakit? Hindi pa ba nila alam?" takang tanong ni Elissa.

"Hehehe! Hindi pa nila alam. Ang sabi lang kasi sa mga imbitasyon ay magkakaroon ng mahalagang anunsyo at seremonya."

Naeexcite na talaga ako!

"Ganoon ba? Kinakabahan ako, Athana." sabi niya.

"Eh? Bakit naman?"

"Baka hindi nila kami tanggapin? Paano kung isipin nila ay hindi kami karapatdapat—"

"Elissa. Huwag ka ngang magisip ng kung anu-ano! Paniguradong magiging masaya ang buong Aepygero at ipagdiriwang ang pagdating niyo!"

"Pero—"

"Hep! Wala ng pero-pero. Maniwala ka, Elissa. Ang buong Aepygero ay mainit kayong sasalubungin." nakangiting sabi ko.

Nakita ko naman na guminhawa ang pakiramdam niya.

"Naninibago lang siguro ako. Hindi pa rin kasi talaga ako makapaniwala na isa kaming Ourania. Teka, simula ba ngayon ay Ourania na ang apelyido namin?"

"Oo naman! Pero hindi naman aalisin sa pangalan niyo ang Eutropia kaya huwag kang magalala."

"Salamat, Athana." buong pusong sabi niya.

Hala! Naiiyak na naman tuloy ako!

"Salamat kasi kung hindi dahil sa inyo hindi namin malalaman ang totoong pagkatao namin. Hindi namin malalaman na may pamilya pa pala kami. Maraming salamat."

"Ano ka ba, couz! Pinapaiyak mo naman ako eh! Special day niyo to kaya dapat walang iyakan! Masisira make up natin!"

Nagtawanan naman kaming dalawa.

"Mga mahal na prinsesa, magsisimula na po ang seremonya." sabi ng isang prostatis.

Pumasok naman si Cheno at Chronis.

"Ang gwapo natin ah!" nakangiting sabi ko.

"Ako pa ba? Syempre, mas gwapo pa nga ako kay Ice eh." sabi ni Cheno.

"Huwag mo ngang lokohin ang sarili mo." sabi naman ni Chronis.

"Waah! Couz, tignan mo oh! Kumokontra!" natawa na lang ako sa bangayan nilang dalawa.

Simula kahapon ay naging couz na ang tawagan namin sa isa't-isa.

Ibang-iba ang itsura nila ngayon. Nakasuot sila ng royal suit at mantle. Itim ang kay Cheno at yellow gold ang kay Chronis. Si Elissa naman ay nakasuot ng royal gown na kulay purple at ganoon rin ang mantle. Ako syempre suot ko ang korona ko at simpleng royal gown at mantle lang dahil hindi naman para sa akin ang seremonya.

Lumabas na kami ng kwarto at bumaba.

"Oh, maiwan ko na muna kayo dito ah?"

"Teka. Kailan kami papasok, couz?" halatang kinakabahang tanong ni Cheno.

AEPYGERO SERIES: Love & AngerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon