Chapter 32

14 4 1
                                    

Dedicated to aesthene_messy & HeartIsForBlood

ATHANA'S POV

Kinagabihan ay naubos ang oras namin kakakwentuhan tungkol sa nakaraan namin. Halos abutin na kami ng madaling araw bago kami nakapagdesisyong matulog dahil may klase kinabukasan.

Dumaan ang dalawang araw na puro kwentuhan lang kami at pagbabaliktanaw. Sobrang namiss namin ang isa't-isa kahit pa sabihing ilang buwan na rin kaming magkakasama.

Ngayon ay araw ng Miyerkules at nasa oval kami dahil volleyball ang P. E. namin.

"Hey, suotin mo itong cap. Tirik na tirik ang araw baka sumakit na naman ang ulo mo."

Isinuot sa akin ni Effie ang cap niya at in-adjust pa iyon dahil maluwag masyado sa akin.

Hinalikan pa niya ang tuktok ng ulo ko kahit suot ko na ang cap.

Ngumiti ako at ramdam ko na namumula ang pisngi ko. Sino ba naman ang hindi kikiligin kung isang tulad niya ang magaalaga sa iyo?

"Salamat, Effie!"

"Anything for my baby."

Natigilan ako doon at nanlalaki ang matang napatitig sa kaniya.

Mas lalong naginit ang pisngi ko ng sabihin niya iyon.

Noong una niya akong tawagin ng ganoon ay pagpapanggap lang, pero ngayon totoo na.

Sa pagpipigil ko ng ngiti ay pinalobo ko na lang ang aking bibig at umiwas ng tingin.

Walang mapaglagyan ang kilig ko kaya't di ko rin napigilang magpatingka-tingkayad.

"Hmmm. Are you ok, baby?" gamit ang naglalambing na boses niyang tanong habang sinisilip ang mukha ko.

"Ahh, wala. Ok lang ako." pinigilan ko ang kilig at nakangiting tumingala sa kaniya.

"That's my baby." sabi pa niya at mabilis na ginawaran ng halik ang tungki ng ilong ko.

"Ayiie! Kinikilig ako, Anika!"
"Huhuhu! Haidee, naiinggit ako kay Athana!"
"Wala na talaga tayong pagasa kay Pyrrhos!"
"Nadudurog ang puso ko, Olivia!"
"Hindi ako mawawalan ng pagasa! Nandyaan pa naman sila Cheno at Chronis!"

Rinig kong usapan ng mga schoolmates namin.

Hala! Nakakahiya! Ang daming tao sa paligid!

Para na akong maiihi sa kilig at hiya.

"Hoy Pyrrhos! Nasa oval tayo at maraming nakakakita! Huwag kang malandi dyan!"

"Aray ko, Nerees! Ano ba?!" daing ni Effie ng pingutin at hilahin siya ni Trite.

Natawa na lang ako sa kanilang magkapatid.

"Aba! Aba! Ako pa rin ang SSG president, baka nakakalimutan mo Pyrrhos, bawal ang PDA dito sa academy!"

Gusto ko tuloy lumubog na lang sa lupa dahil sa sobrang hiya.

Ang dami kasi talagang students ngayon sa oval at paniguradong halos lahat sila ay nakita iyong ginawa ni Effie.

"Anee.." pabulong na tawag ko dito at nagtago sa likod nito.

"Para yon lang? Psh. Baby! Let's go!" medyo malakas na tawag sa akin ni Effie dahil nga napalayo siya nang hilahin siya ni Trite.

"Tara na Schy." sabi ni Anee at inangkla ang kaniyang kamay sa braso ko.

Naglakad na kami papunta sa gitna ng oval dahil nandoon na ang propesor namin.

AEPYGERO SERIES: Love & AngerOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz