Chapter 21

40 17 0
                                    

ATHANA'S POV

Nang magtanghali ay iniwan muna namin ang mga natanggap naming mga tsokolate, regalo at bulaklak.

Hapon pa lang ngayon, may ilang oras pa kami bago ang blind date.

"Ang cute nung booth! Tara doon! Para may remembrance tayo na picture!" sabi ni Nerees habang tinuturo ang isang photobooth.

"Miss, sampu kami! Eto bayad oh! Keep the change!" sabi ni Nerees at agad agad pumasok sa studio dahil walang nakapila doon.

Ang ganda ng design doon. Puro pink, white at red ang makikita mo doon. May mga props din sila doon at kung anu-ano pang displays.

"Tara dali! Ay, bakit ang liit ng space." sabi ni Seb.

"Ahh, excuse me. Pang-couple kasi itong photobooth na ito. Sa kabila ang para sa group photo. Kaya good for two persons lang ang studio namin." napapakamot sa ulong sabi ng babaeng photographer.

"Eto na po ang stub niyo. Bali lima po ito." pumasok ang babae kanina sa cashier at inabot sa amin ang stub.

"Ayy, ang tanga mo Nerees! Paano iyan ngayon?" sabi ni Seb dito.

"Problema ba naman iyon, sampu naman tayo, pwede namang magpartner-partner muna."

"Eh ano pa nga ba? Kesa kayo lang ni Ice ang makinabang sa ibinayad mo. Nanggigigil ako sayo babaita ka! Hoy, Elissa, partner tayo ah!" sabi ni Seb.

"Ok."

Eh? Sinong partner namin ngayon ni Anee? Pwede bang kami nalang dalawa?

"Pwe—" magsasalita pa lang sana ako ng maunahan ako ni Nerees.

"Oh, kayo, ikaw Athana partner mo si Pyrrhos, ikaw naman Nephele ay si Zopyros. Kayong dalawa, kayo na lang, magkapatid naman kayo."

What?!

"What?! Di ba pwedeng kami nalang ni Schy magkasama?"

"Ang panget naman noon! Couple nga eh, mas ok na iyang dalawa na lang ang magpartner kesa lahat kayo ay kauri niyo ang partner. Ang baduy!" sabi ni Seb.

"Mauna na kami ni Ice!" sabi Nerees at pumwesto na sila sa studio, kami naman ay lumabas muna dahil maliit ang space doon.

"Kami next!" sabi ni Seb.

Sunod-sunod na nga silang nagpicture at kami ni Effie ang nahuli.

"Ok, magdikit pa kayo." sabi ng photographer.

Lumapit naman ako ng konti sa kaniya.

"Konti pa."

Siya naman ang lumapit, pero may five inches pa sa pagitan namin.

"Dikit pa." ano ba naman iyan. Kailangan ba talaga magkadikit kami?

Natigilan naman ako ng maramdamang umakbay sa akin si Effie.

"Yan! Perfect! Ok, smile!"

Ngumiti naman ako at tumingin sa camera.

*click*

"Ok, next shot." what? Meron pa? Ilang shots ba ito?!

Pinatong naman ni Effie ang baba niya sa ulo ko.

Nakita ko sa mirror na nakangiti siya ng mapangasar kaya pumikit nalang ako at ngumiti.

*click*

"Last twelve shots!"

Pumunta ako sa likod niya at nagulat siya ng bigla akong tumalon doon at tinakpan ang bibig niya.

AEPYGERO SERIES: Love & AngerWhere stories live. Discover now