Chapter 29

30 21 1
                                    

NEPHELE'S POV

Tuluyan nang nawala ang epekto ng alak sa sistema ko ng bigla akong hilahin ni Poh at isinandal sa dibdib niya.

"Ano ba?!" nagpumiglas ako upang makawala sa higpit ng hawak niya sa braso ko pero mas lalo niya lang akong idinidiin sa dibdib niya.

"Stay here. Don't come near him." wala na akong nagawa kundi manatili sa ganoong posisyon.

"Ang sweet! Hehe. Babe tayo rin!" lasing na hinila ni Ice si Nerees at ginaya ang posisyon namin ni Poh.

"Nahihilo na ako, para na naman akong nasusuka." napatingin naman kami kay Elissa.

"Hala?! Buntis ka?!" halata mong may tama na si Seb sa mga kilos niya. Lumapit pa ito kay Elissa at ipinuwesto ang tenga sa tyan ni Elissa.

"May baby ba dyan? Hello? Hehe. Gusto mo ba akong maging daddy?" natatawa-tawang sabi ni Seb habang nakapikit.

"HAHAHAHA! Pucha! Kailangan lang palang malasing ni Seb para maging lalaki!" malakas na tawa ni Ice.

Nagtawanan kaming lahat sa iniasta ni Seb. Sa itsura niya ngayon ay para talaga siyang lalaki. Kung hindi kilala ng taong makakakita sa kaniya ngayon si Seb ay paniguradong iisipin nitong straight siya.

"Ang gwapo mo Seb!" malambing na sabi ko.

"Para kay Elissa, magpapakalalaki ako. Hoy babae! Sinasabi ko sayo, huwag kang magpapaligaw! Kundi, lagot ka sa akin!"

"What the fck, Seb! Did you just confessed?!" gulat na sigaw ni Nerees.

"What? I'm didn't! Duh? I'm just warning her! Remember that, Elissa!" nakaturo pa sa mukha ni Elissa ang hintuturo nito pero nakapikit lang si Elissa.

"Hoy! Naririnig mo ba ako? Hoy!" niyuyugyog niya na si Elissa dahil nakatulog na pala ito.

Sayang naman hindi niya narinig iyong sinabi ni Seb. Tingin ko ay magiging lalaki na itong si Seb at magkakalaovelife na sila ni Elissa. Hihihi. Sana ako rin. Kinikilig ako!

Tinignan ko naman si Schy at Pyrrhos na naguusap pero halatang may tama na si Pyrrhos dahil mapungay na ang mata nito. Inaalalayan naman ito ni Schy na tingin ko ay matino pa.

Dumaan ang thirty minutes at nagiinuman pa rin kami. Si Elissa ay bagsak na talaga nakahiga na siya sa sofa at nakapatong ang ulo sa hita ni Seb. Ang sweet hihihi. Kinikilig na naman ako sa kanila.

Hala naiihi ako.

"I'll just go to the comfort room." pagpapaalam ko at binitawan naman ako ni Poh. Tumayo na ako at pagewang-gewang na nagtungo sa comfort room.

Ang dami ko nang nainom, ramdam kong nahihilo na ako. Bago lumabas ng comfort room ay naghilamos muna ako upang maibsan kahit papaano ang tama ko.

"Oh, Cheno? Doon ang CR ng boys." turo ko sa kabilang pinto ng mapansing nagaantay siya sa tapat ng comfort room ng mga babae.

"Nephele, can we talk?" seryosong sabi niya. Tingin ko ay malakas na ang tama ng alak sa kaniya dahil kanina ay sunod-sunod ang pag-inom niya.

"Yeah, sure. Here?" kahit nahihilo ay minabuti kong tumayo ng maayos.

"Uhm. I want to ask you something, if you don't mind?"

"What is it?"

Nanatili pa siyang tahimik, iniisip ang itatanong. Nakailang buka rin siya ng bibig ngunit hindi maisatinig ang gustong itanong.

AEPYGERO SERIES: Love & AngerWhere stories live. Discover now