Chapter 48

15 3 1
                                    

Dedicated to Dindin013, VherlyVillegas1 & CCmonogatari

A/N: Short update ahead!

ATHANA'S POV

Pumasok na kami sa kastilyo ng tahimik.

Hindi ako makatingin kay Effie. Pakiramdam ko ay namumula pa rin ang mukha ko sa hiya.

Habang naglalakad kami ay may naramdaman akong kakaiba.

"Naramdaman niyo ba iyon?" tanong ko.

"Yeah. Stay beside me, Zotiria." sabi ni Effie at hinila ako papalapit sa kaniya.

Sakto naman na lumabas sila Sebi galing sa isang kwarto.

"Guys! Mayroon na namang cyclops!" sabi niya at dali-daling tumakbo papunta sa malaking pinto ng kastilyo.

Habang tumatakbo kami ay naramdaman na namin ang malakas na pagyanig ng lupa kaya't napahinto kami.

"Bakit mayroon na namang cyclops? Dito pa talaga sa mismong kaharian?!" natatarantang sabi ni Trite.

Nang mawala ang pagyanig ng lupa ay tumakbo na kami ulit.

*RAAAWWWWRRRRRR!!!* sabay-sabay na ungol ng mga cyclops.

"What the fck?!" - Ice
"OMG!" - Anee
"Sht! This is not good!" - Effie

Nanatili lang akong nakatulala sa hindi bababa sa sampung cyclops.

Ang dami nila! Paanong nakapasok ang mga iyan sa kaharian?

Tanaw sa kinaroroonan namin ang mga taong nagpapanic at hindi malaman kung saan magtatago.

Ang mga prostatis din ay nagumpisa nang kalabanin ang mga cyclops.

*RAAAWWWWRRRRRR!!!*

Wala na kaming pinalagpas na oras at nagkaniya-kaniya kami ng sugod sa mga cyclops.

Lumipad ako patungo sa kinaroroonan ng mga ito at sinummon ang spear ko pati si Aeris.

Nang masummon ko si Aeris ay kaagad akong sumakay sa kaniya.

"Aeris, make sure no Aepygerian will get hurt." utos ko dito bago ako tumalon sa mismong ulo ng isang cyclops.

*RAAAWWWWRRRRRR!!!*

"Aaahh!!" hiyaw ko ng muntik akong mahulog dahil sa paggalaw ng cyclops. Buti ay nakakapit ako sa sungay nito kaya't hindi ako dumausdos paibaba.

"ZOTIRIA!!"

Bumitaw ako sa pagkakahawak sa sungay niya at agad kong tinarak ang spear ko sa mata nito nang saktong matapatan ko iyon.

*RAAAWWWWRRRRRR!!!*

Npasama ako sa pagbagsak ng cyclops dahil hindi ko kaagad natanggal ang pagkakatarak ng spear sa mata nito.

"Argh!" daing kong muli ng tumalsik sa akin ang dugo ng cyclops pagkahila ko ng spear.

Inilibot ko ang aking paningin at nakitang lahat sila ay lumalaban na sa mga cyclops.

*RAAAWWWWRRRRRR!!!*

Ang sakit sa tenga ng mga ungol nila lalo kapag nagsabay-sabay.

Lumapit ako sa kinaroroonan ni Anee at tumulong sa kaniya. Masyadong maligalig ang isang ito kaya't nahihirapan kami na puntiryahin ang mata nito.

AEPYGERO SERIES: Love & AngerOù les histoires vivent. Découvrez maintenant