Chapter 62

16 5 0
                                    

THIRD PERSON'S POV

*Kaharian ng Aepygero*

Tanaw mula sa kaharian ng Aepygero ang libo-libong mandirigma ng Exoria na walang pakundangan na sumusugod patungo sa kaharian.

Unti-onting binabalot ng kadiliman ang buong kalangitan ng Aepygero. Ang kaninang maaliwalas na kapaligiran ay binalot ng kadiliman.

Sa ikatlong pagkakataon ay nagpakawala ng atake ang mga Exorian at ipinatama iyon sa tuktok ng kaharian kung kaya't ang mga prinsipe, prinsesa, hari at reyna ay nilisan ang kanilang kinaroroonan na malapit ng gumuho.

Ang kaninang kalmadong lupa ay tila nagwala. Daan-daang cyclops ang sabay-sabay na lumabas mula sa ilalim ng lupa.

Ang hukbo ng mga prostatis ay nakaposisyon na sa harapan ng kaharian. Handang lumaban at i-sugal ang kanilang buhay para sa kaligtasan ng kanilang namumuno at nasasakupan.

Ang Duke ng hari na siya ring heneral ng mga prostatis ay nakatanaw sa tuktok ng toreng pandigmaan. Handang magbigay ng senyas sa imamando ng hari na kararating lang sa tuktok ng tore.

Ang natitirang grupo ng Ischyros ay buong tapang na pumwesto sa harapan ng mga prostatis suot ang kanilang kasuotang pandirigma.

"Etoimasou!" sigaw ng Duke na ang ibigsabihin ay maghanda.

"Thesi!"

Pumusisyong panugod ang lahat ng prostatis ng magmando ang Duke.

"Ha!"

Ang hukbo ng prostatis ay nahahati sa pitong klase. Ang mga archer, swordsmen, spearmen, axemen, cavalry at ang mga nakatalaga sa mga ballista at mangonel.

Nagsilabasan na rin ang mga Fylakas ng Ischyros maging ng mga prostatis.

"Nasaan na ba si Pyrrhos?" bakas ang pagaalala sa boses ni Nerees ng sabihin niya iyon.

"Masyado silang madami. Isama pa ang daan-daang cyclops. Kukulangin tayo sa pwersa. Mahihirapan tayo." sabi ni Elissa sa mga kasama. Tila nawawalan ng pagasa na makakaligtas sila sa mangyayaring digmaan.

Sa dami ng kalaban ay tila nawawalan sila ng lakas lumaban sapagkat sa bilang palang ay talo na sila.

"Nandito kami." napalingon ang mga miyembro ng Ischyros sa entrada ng kaharian ng dumating doon sila Allai at Niko kasama ang iba pang mga estudyante at propesor ng akademya.

"Sama-sama tayong lalaban. Itataya ang buhay para sa kapayapaan. Para sa kapayapaan ng Aepygero!" sigaw ni Niko.

"Laban para sa Aepygero!" sigaw ng lahat.

Nabuhay ang pagasa sa mata ng mga Ischyros. Nanumbalik ang lakas ng bawat isa at iisa lang ang hangarin. Ang makamit ang panalo at kapayapaan sa Aepygero.

Pumwesto ang bawat isa sa likuran ng Ischyros sa pangunguna nila Seb at Elissa.

Hinawakan ng mahigpit ni Seb ang kamay ng nobya at pinakatitigan ito.

"Mananalo tayo, Sasa. Walang susuko. Tutuparin ko pa ang pangako ko sa iyo."

Isang matamis at madamdaming ngiti ang pinakawalan ni Elissa sa nobyo bago tumango.

"PROSVOLI!" malakas na sigaw ng Duke ng makatapak sa lupain ng kaharian ng Aepygero ang mga kalaban. Kaagad na nanguna sa pagsugod ang mga prostatis.

"PROSVOLI!" paguulit ni Elissa kaya't kaagad na sumugod ang lahat ng estudyante at propesor ng akademya patungo sa mga kalaban.

"YAAHH!!"

AEPYGERO SERIES: Love & AngerWhere stories live. Discover now