Chapter 9

50 19 1
                                    

ATHANA'S POV

Ang bilis ng pangyayari. Naramdaman kong nahuhulog na ako, parang nagslow motion sa akin ang lahat. Pero bago pa ako mahulog ng tuluyan ay may sumalo sa akin.

"Ok ka lang ba?" tanong nito sa akin habang buhat-buhat pa rin ako.

"Oo, salamat! Muntikan na ako doon ah. Salamat talaga, Nik!" ibinaba naman na niya ako.

"Wala iyon! Nakita ko kung anong nangyari. Tingin ko ay sinadya iyon." sabi nito.

Hindi ko na lang inisip iyong sinabi niya, kahit alam kong sinadya talaga iyon. Alam ko rin kung sino ang gumawa noon dahil nandito siya sa library.

Napansin ko namang may ibang tao ang mga nakatingin sa amin. Narinig siguro nila ang pagsigaw ko. Nakakahiya, nagingay ako sa library.

"Schy? Anong nangyari bakit narinig kitang sumigaw?" nagaalalang tanong nito.

"Eh, kasi noong inaabot ko yung libro ng weapon mo biglang gumalaw yung ladder kaya nahulog ako. Buti na lang nandito si Nik." paliwanag ko.

"Ganon ba? Salamat, Niko!" sabi ni Anee.

"Wala iyon." sagot nito.

"Eto na yung libro, Anee." inabot ko naman ito sa kaniya.

"Thanks, Schy! Ang bilis mo namang nahanap ito!" natutuwang sabi niya.

"Maauna na ako sa inyo." paalam ni Nik.

"Bye, Nik! Thank you ulit!"

Nang makuha nila lahat ng libro ng weapons nila ay nagkaniya-kaniya na kami ng uwi.

Pagkatapos naming kumain ni Anee ay dumaretsyo siya kaagad sa kwarto niya upang aralin ang weapon niya.

Ako naman ay inaral ulit ang tungkol sa Pantodynamos, para kapag matawag ako ni Miss ay may maisagot ako. Pagkatapos ng isang oras nang pagbabasa ay nagdesisyon akong matulog na.

Dumaan ang weekends na walang ibang ginawa si Anee kundi ang aralin ang weapon niya. Minsan pa ay nagpapatulong ito sa akin na intindihin ang mga nakasulat sa libro.

Sa loob ng dalawang araw ay nasaulo na niya ang libro, pero ang paggamit sa weapon ay inaaral pa niya.

Pagdating ng lunes ay maaga kaming pumasok. Pero sabi ay walang klase dahil mayroong meeting kasama ang mga SSG officers at class presidents kaya hindi namin kasama ngayon si Seb.

"Tara, doon tayo tumambay sa oval!" pagaaya ni Ice.

"If I know, magaabang ka lang ng bagong target mo!" sigaw sa kaniya ni Nerees.

"Aba! Hoy! Para sa kaalaman mo, isang buwan na akong walang girlfriend!" pagdedepensa sa sarili ni Ice.

"Wow! Mukhang iniiwasan kana ng mga babae ah! Kunsabagay, wala naman silang mapapala sayo!"

"Sila wala! Pero ikaw meron!" banat ni Ice na kinindatan pa si Nerees.

"Hala, Nerees! Namumula ka!" pangaasar ni Anee.

"Oo nga! Ang cute mo, Nerees!" pangaasar ko rin.

"Mapula talaga pisngi ko no'! Ngayon niyo lang napansin." napipikon na sabi nito.

Dati ko pa napapansin na may something sa dalawang ito. Halata naman sa mga kilos at asaran nila. Pero parehas na tinatago ang tunay na nararamdaman o di kaya ay hindi pa nila lubusang naiintindihan.

"Ah, guys. Mauna na kayo sa oval. Magc-CR lang ako." paalam ko.

"Sasamahan na kita, Schy. Dahil huling beses na nagpaalam kang magCR ay may di magandang nangyari sayo." sabi ni Anee.

AEPYGERO SERIES: Love & AngerWhere stories live. Discover now