Chapter 16

48 17 0
                                    

ATHANA'S POV

"And the first second year students to take the ranking test are Miss Ischyra Athana Zotiria of Section A and her opponent would be..."

Nakita ko nga ang mukha ko na nakadisplay sa screen. Sa right side ay parang nagshushuffle pa kung sino ang magiging kalaban ko.

"Miss Kassi of section B!" sigaw ng emcee ng lumabas doon si Kassi.

Ano nga ba ang kapangyarihan nito? Hindi ko pa ata nakitang gamitin niya iyon.

"Good luck, Schy! Beat her in seconds!"

"Kaya mo yan, Athana! Wooh!"

"Go, Athana!"

"Slap her with you power!" si Seb yan.

"Salamat guys!" tumayo na ako at pumunta sa gitna ng stadium kung saan magaganap ang laban. Pagkapasok ko doon ay awtomatikong nag-iba ang suot ko. Kapag kasi nasa laban ay nag-iiba ang suot namin.

Pagtingin ko sa kaniya ay revealing ang armor niya.

Nagkaroon na ng barrier ang battle ground simbolo na umpisa na ng laban.

Seryoso ako palagi sa mga ganitong pagkakataon. Siya naman ay nagmamalaki ang ngisi sa mga labi.

Tinitigan ko muna siya. Inaantay na siya ang unang umatake dahil hindi ko pa alam ang kapangyarihan niya.

Maya-maya ay may naramdaman akong kakaiba.

Nararamdaman kong unti-onting kumikirot ang ulo ko.

Hindi ko pinahalata sa kaniya na naaapektuhan ako, nginitian ko pa siya. Dahil sa ginawa niya ay alam ko na ang kapangyarihan niya. At ngayon pa lang alam ko na ang kahinaan niya.

Nagpakawala ako ng air ball at pinatama iyon sa tiyan niya. Mahina lang iyon, ginawa ko iyon para madistract siya at tigilan ang pagpuntirya sa utak ko.

Iniwasan niya iyon. Nakita ko namang sumeryoso na rin siya. 

Isa siyang pressure manipulator. Kanina lang ay dinadagdagan niya ang pressure ng utak ko para makaramdam ako ng pananakit ng ulo.

"How do you want this to end? The easy way or the hard way?" tanong niya sa akin.

"You choose." sagot ko.

"I choose the hard way." sabi nito at tumakbo papalapit sa akin.

Gumawa siya ng isang pressure strike at hinagis iyon sa akin pero mabilis ko iyong nailagan.

Gumawa ako ng air spear at hinagis rin iyon sa kaniya pero nagawa niya kaagad alisin ang pressure noon kaya nawala iyon. Magaling.

Kung tutuusin ay madali ko lang matatapos ang laban na ito, pero ang kaninang kaba ko ay pinaltan ng excitement. Kaya patatagalin ko muna ito. Sapat lang para isatisfy ang sarili ko at para na rin magamit muli ang kapangyarihan ko sa ganitong pagkakataon.

Nagproduce siya ng mga pressure bombs at sunod sunod iyong hinagis sa akin pero lahat ng iyon ay swabe kong iniiwasan.

CHENO'S POV

"Ang swabe niyang gumalaw! Para lang siyang sumasayaw!" namamanghang sabi ko.

Nang makalapit si Athana sa kalaban ay gumawa siya ng air spikes at sabay-sabay iyong hinagis sa kalaban. Hindi kaagad nakaiwas ang kalaban kaya't nagtamo ito ng maraming sugat sa katawan.

Nakita namin ang pagiiba ng emosyon ng kalaban niya, kung kanina ay presko ito ngayon ay galit na ito.

Gumawa ng scatter shot of pressure ang kalaban, pagkatira nito ay nagsplit iyon sa maraming fragments. Tulad kanina ay swabe lang iyong iniwasan ni Athana. Lahat ng nanunuod ay namamangha sa pagkilos niyang napakaganda tingnan.

AEPYGERO SERIES: Love & AngerWhere stories live. Discover now