Chapter 38

14 6 0
                                    

Dedicated to YumeJReiStories, emjhay30828 & WritErshainne

ATHANA'S POV

"Buong pusong paglilingkod, mahal na hari." sagot ni Allai.

Dito sa mundo namin, kapag ang mga maharlika ay nagpasalamat sa normal na Aepygerian, imbis na walang anuman ay buong pusong paglilingkod ang isinasagot.

"Binibining Elissa, maaari mo bang ilahad ang nangyari?" baling ng hari kay Elissa nang wala nang magsalitang muli.

"Opo, mahal na hari."

Kinuwento ni Elissa ang buong pangyayari. Tulad ng lagi niyang sinasabi, walang labis, walang kulang. Sa aming lahat ay siya ang pinakadetalyado sa mga bagay.

"Sinasabi mong mayroong isang tao ang naroon at tinulungan kayo, simula pa lang?"

"Opo, mahal na hari. Ngunit hindi ko natukoy ang pagkakakilanlan ng taong iyon dahil sa naghalo-halong presensya. Paumanhin, mahal na hari."

"Kailangan nating malaman kung sino ang taong iyon. Wala ba kayong palagay sa kapangyarihan nito?"

"Meron po, mahal na hari." sagot ko.

Kinuha ko sa bulsa ang karayom na nilagay ko sa isang kahon.

"Nasisiguro ko pong sa kaniya ang bagay na iyan dahil wala sa amin ang may kakayahang gumawa ng ganiyan gamit ang aming kapangyarihan. Tulad po ng sabi ko kanina ay iniligtas ako gamit ang bagay na iyan."

Kinuha ng hari ang kahon at binuksan.

"Isang karayom? Interesante. Ipagpatuloy mo, binibining Elissa."

"Bago pa man po kaming maubusan ng lakas pare-parehas ay may nagligtas sa amin. Tulad ng sabi ni Allai, nagkaroon ng malakas na pagsabog galing sa isang misteryosong lalaki. Iniligtas niya kami at pinrotektahan sa kaniyang ginawang atake gamit ang isang barrier na hindi ko nalaman ang enerhiya."

Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin kung sino kaya ang lalaking iyon. Bakit siya palaging nakasunod sa amin o kila Elissa? At kung kalaban man siya ay hindi niya kami ililigtas doon.

"Misteryosong lalaki?"

"Opo, mahal na hari. Ang lalaking iyon ay matagal ko nang nararamdaman ang presensya. Palagi iyong nagmamanman sa amin. Ngunit hindi ko siya nakikita noon, tanging nararamdaman lamang. Nang iligtas niya kami ay balot na balot ito ng itim na tela at natatakpan ang mukha na may puting maskara. Ang aking kapatid ay nakikita ang lalaking iyon simula pa lang ng manmanan niya kami."

Pagtingin ko sa hari ay may nakikita akong kakaiba sa mata niya pero hindi ko mapangalanan. Weird.

"Sino sa iyong kapatid ang nakakakita sa kaniya?"

Tinignan ni Elissa si Cheno at sinenyasan.

"Ako po, mahal na hari." bumaling sa kaniya ang lahat.

"Maiilarawan mo ba ang itsura ng lalaking ito?"

"Paumanhin, mahal na hari, ngunit palaging may takip ang kaniyang mukha kaya't hindi ko mailalarawan ang kaniyang mukha, ngunit masasabi ko sa kaniyang pangangatawan na nasa mahigit dalawang daan at limampung taon na ang lalaking iyon."

"Kahinahinala. Salamat sa mga impormasyong inyong ibinahagi."

Natahimik ang buong meeting room ng limang segundo bago muli nagsalita ang hari.

AEPYGERO SERIES: Love & AngerWhere stories live. Discover now