Chapter 55

12 6 0
                                    

Dedicated to CiaraMayRobles, silentinquerpen, & chiminiejiminie

NEPHELE'S POV

Paano ko na ito ngayon bubuhatin lahat?

"Ahh, miss, wait lang ah. Ito na muna yung bayad ko."

Kinuha ko naman ang dalawang cotton candy sa kaniya. Sa laki ng bawat isa nito ay tag-isa lang sa magkabilang kamay ang kaya kong madala dahil magdidikit iyon at masisira ang design.

"Mahal na prinsesa, kailangan niyo po ba ng tulong?" tanong ng isang lalaki sa likod ko.

Pagharap ko ay napangiti ako.

"Hey, there! It's you! Uhm, yes, do you mind?"

"Yes, sure, your highness!"

"Hello po, mahal na prinsesa!" nakangiting sabi noong babae.

Hindi ko pa rin makita ang kulay ng mata at buhok nila dahil sa cap at hoodie na suot nila.

Kinuha naman nila iyong lima pa na cotton candy.

"Ah, can you give one unicorn flavor to Aira, please." nakangiting sabi ko sa lalaki.

"Sige po." sabi niya at ibinigay nga iyon kay Aira. Ang cute niya tuloy kasi kagat-kagat niya yung stick ng cotton candy.

"Let's go!" nakangiting pag-aya ko sa kanila.

"Ano palang mga pangalan niyo?" tanong ko.

Nagkatinginan naman sila at parang naguusap.

"Ahh, ano po.. Ano ba?.. Ahh tawagin niyo na lang po akong Guy! Hehehe! Siya naman si.. Si ano..."

"Gal! Ako po si Gal! Hehehe!"

"Ahhh, ok? Sounds weird..." binulong ko lang iyong huli kong sinabi, syempre baka maoffend sila. Sino ba naman kasing magulang ang magpapangalan ng ganoon sa mga anak nila? Parang informal way lang ng pagsabi ng ladies and gentleman. Ang daming pwedeng ipangalan iyon pa.

Nang malapit na kami sa horror mansion ay natigilan pa si Guy. Nakita ko naman si Poh na ang sama ng tingin sa amin. Natakot siguro kay Poh.

"Huwag kang matakot dyan kay Poh. Ganyan lang talaga mukha nyan, nakakainis diba?" bulong ko pa sa kaniya.

Pansin ko naman na lalong sumama tingin ni Poh.

"Come on!" nakangiting sabi ko sa kanila.

"I thought you're hungry?" tanong ni Poh na hindi tumitingin sa akin dahil nagbibigay siya ng mga tickets.

"Yeah!" pairap na sabi ko.

"Then why did you buy that?"

"Eh sa ito ang gusto ko!"

"I don't like that."

"Sinabi ko bang bibigyan kita? Sa akin lahat yan, pati kay Aira." naiinis na naman ako sa lalaking ito.

"What?! You're unbelievable, woman."

"Ahh, hehe. Mahal na prinsesa, mauuna na po kami." agaw pansin sa akin ni Gal.

"Oh, wait. Hey, Poh! Meet Guy and Gal! Siya naman si Zopyros, boyfriend ko." nakangiting pagpapakilala ko sa kanila.

Napalunok naman si Guy dahil tinignan siya ng masama bigla ni Poh.

AEPYGERO SERIES: Love & AngerWhere stories live. Discover now