Chapter 28

32 22 0
                                    

ATHANA'S POV

Namangha kaming lahat sa Fylakas ko na isang air dragon. Mayroon itong mga blue spots sa katawan. Napakaganda nitong tignan. Napakacute pa dahil baby pa at paniguradong kamangha-mangha ang itsura nito kapag lumaki na.

 Napakacute pa dahil baby pa at paniguradong kamangha-mangha ang itsura nito kapag lumaki na

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

©Credits to the owner of the photo.

"Ang swerte mo, Athana! Kunsabagay prinsesa ng buong Aepygero ang babaita kaya sobrang rare ng Fylakas." hindi naaalis ang tingin sa air dragon na sabi ni Seb.

"Si daddy rin ay dragon ang Fylakas. Sabi niya noon ay hindi mawawala sa lahi namin ang mayroong dragon Fylakas." nakwento sa amin ni daddy na isa sa mga nagiging anak ng bawat Ourania ang nagkakaroon ng dragon Fylakas. Kay mommy naman ay Hippogriff. Ang kay ate ay hindi ko alam dahil hindi niya iyon nababanggit.

Nagkwentuhan pa kami ng ilang oras at nagtanong rin sila ng tungkol sa nangyari sa amin. Inulit ko lang din ang mga sinabi ko kanina. Pero hindi ko sinabi na mayroon akong naaalala. Kanina nang umalis sila ay kinuwento kila mommy ang mga natatandaan kong nangyari.

*FLASHBACK*

Ang sakit ng ulo ko. Ano bang nangyari? Magmumulat na sana ako ng mata ng may marinig akong bumukas na pinto at maraming yabag ng paa.

"Panginoon, sila po ang mga prinsesa ng Aepygero. Ang panganay ang sinasabi naming Pantodynamos." sabi ng pamilyar na boses ng isang lalaki. Narinig ko na ang boses na iyan kung hindi ako nagkakamali.

Teka? Pantodynamos? Si ate? Paano naman nila nasabing si ate ang Pantodynamos?

Aray!

Pinanatili ko ang pagpapanggap na tulog sa kabila ng biglaang paghablot sa damit ko sa bandang dibdib.

Who are you to touch me?!

"Isa siyang Aeras manipulator, namana ang kapangyarihan ng kaniyang ina." tumindig ang lahat ng balahibo ko sa boses na iyon. Masyadong malalim at malamig. Sino ito? Sino sila?

Kating-kati na akong buksan ang mata ko pero sigurado akong makikita nila iyon kaya nanatili akong nakapikit.

"MGA BOBO! INUTIL! PALPAK NA NAMAN KAYO! ANG SABI NIYO AY MAYROON SIYANG TATTOO NG PANTODYNAMOS?! TATTOO IYAN NG ISANG OURANIA NA NAGTATAGLAY NG DALAWANG MALAKAS NA KAPANGYARIHAN! MGA BOBO! ANO PA'T NAG-ARAL KAYO SA ACADEMY NA IYAN?!" muntik na akong mapakislot sa sobrang lakas at nakakatakot na sigaw na iyon.

Tingin ko ay ang tattoo ni ate ang tinutukoy nito. Kamukha noon ang tattoo ng Pantodynamos ngunit imbis na apat na bilog ang nasa ibaba ng dragon ay dalawa lamang iyon. Dahil dalawa ang kapangyarihan ni ate, light ang nullification. Hindi kasama sa mga pinagaaralan namin ang tungkol sa tattoo ng mga Ourania. Isa iyong sikreto ng aming pamilya.

Nanatiling tahimik ang buong kwarto matapos ng sigaw na iyon. Akala ko ay lumabas na sila pero muling may nagsalita.

"PURO NA LANG KAYO PALPAK! MGA WALANG KWENTA!" narinig ko ang malakas na pagsara ng pinto matapos ang sigaw na iyon.

AEPYGERO SERIES: Love & AngerWhere stories live. Discover now