Chapter 49

11 4 1
                                    

Dedicated to rhebel26, chemmyz & AristelleJoy

ATHANA'S POV

Totoo ba itong nakikita ko? Isa talaga siyang Pantodynamos? Tulad ng pagkakalarawan sa libro ay puting-puti ang kaniyang manipis na buhok at ang kaniyang mata na kulay ginto.

Paano nangyari iyon—

"Maaari ko bang makumpirma kung ikaw ba talaga...... ang Pantodynamos?" malumanay na tanong ni daddy.

Yumuko naman ito at lumuhod sa isang tuhod. Itinarak niya ang Excalibur sa lupa bago nagsalita.

"Ako si Alethea, nagtataglay ng kapanyarihan ng apoy, tubig, hangin at lupa, ang apat na pangunahing elemento. Ako ang... ika-apat na Pantodynamos."

Nang sa kaniya mismo manggaling na siya ay isang Pantodynamos ay nagtindigan lahat ng balahibo ko. Nakakakilabot ang dating noon.

Lahat kami ay nanatiling nakatingin sa kaniya na mayroong pagkahanga at gulat.

"Ikinagagalak ko po kayong makilala, mahal na Haring Zoticus, mahal na Reyna Isyria, at lahat ng hari at reyna, maging mga prinsipe at prinsesa ng buong Aepygero. Narito ako para sa inyong lingkod at habang buhay na pagprotekta."

Naghiyawan ang mga tao sa paligid dahil sa kanilang narinig.

"Isang Pantodynamos!"
"Ang tagapagligtas ng Aepygero!"
"Mabuhay ang Pantodynamos!"
"Mabuhay!"
"Mabuhay ang Aepygero!"
"Mabuhay!"

Nanatili siya sa ganoong puwesto tulad namin na nanatiling gulat at hindi makapaniwala.

Nang makabawi ako ay tinignan ko sila mommy at daddy na seryosong nakatingin kay Alethea.

Wait. Alethea?

Hindi ba siya iyong nagbubukas ng portal kapag nagpupunta kami ng mortal world? Posibleng magkakilala na sila ni daddy. Pero base sa reaksyon nila ni mommy ay parang hindi sila magkakilala.

"Tumayo ka." utos ni daddy na agad niyang sinunod.

"Maligayang pagdating sa Aepygero Kingdom, Alethea."

Nagtitigan pa sila ni daddy bago sumagot si Alethea. Napansin ko naman si mommy na seryoso pa rin.

"Salamat, mahal na hari."

Napakislot ako ng tignan niya ako maski ang iba ko pang kasama. Bumalik ang tingin niya sa akin bago mapako iyon kay Effie.

"Ischyra, bumalik na tayo sa kastilyo." pag-agaw ng atensyon kong sabi ni mommy.

"Opo, mahal na reyna." sagot ko.

"Alethea, maaari ka ba naming maimbita sa kastilyo?" tanong ni daddy.

"Malugod kong tinatanggap ang inyong imbitasyon, mahal na Hari." nakayuko ulit na sagot niya.

Malambing ang dating ng boses niya at malumanay. Maliit din ang pangangatawan niya na may katangkaran na halos abutin na si Anee. Maputi ang balat at mapupula ang pisngi. Napakaganda niya, hindi mo lubos maiiisip na siya ang nagpatumba sa mahigit sampung cyclops sa loob ng ilang minuto.

Bumalik na kami sa loob ng kastilyo na walang nagsasalita. Lahat ay di pa rin makapaniwala na kasama namin ang Pantodynamos.

Nang makarating sa throne room ay hiniling muna ni daddy na makausap nila si Alethea kasama ang iba pang mga hari at reyna kaya't nagpunta muna ulit kami sa garden.

AEPYGERO SERIES: Love & AngerWhere stories live. Discover now