Chapter 2

122 26 11
                                    

NEPHELE'S POV

Maaga akong nagising dahil sa sobrang excitement. 5:00 AM palang ay gising na ako kahit ang usapan namin ay 8:00 AM kami pupunta sa academy.

Naligo na ako at nagsuot ng high waist jeans at white loose button-up blouse na binili ko sa mortal world, nakabukas ang unang dalawang butones para makita ang colar bone ko, pinarisan ko iyon ng black na chunky sandals. Kinuha ko yung flap bag ko na kulay itim with gold linings.

Inabot rin ng isang oras ang preparasyon ko. Lumabas na ako ng kwarto at dumaretsyo sa kwarto ni Schy.

Kakatok na sana ako ng biglang bumukas ang pinto at iniluwal si Schy. Ang suot niya ay fitted croptop na color white, mayroon iyong maliit na dog paw patch sa gitna. Tinernohan niya iyon ng wide leg high waist pants na pastel blue ang kulay at itim na ankle booties.

"Great! Tara kumain na muna tayo." anyaya ko sa kaniya.

Bumaba na kami at dumaretsyo sa dining area. Sakto naman na naghahain na ang mga maids ng breakfast. Napakaraming pagkain ang nakahain, garlic rice, egg, bacon, ham, hotdog, tocino, bread, pancakes, waffle at meron pang cake, pineapple juice para sa inumin, of course meron din water. Ano pang aasahan mo, isa akong prinsesa.

Maraming pagkain pero pancake lang ang kinain ko, it's my favorite.

"Hoy! Dalian mo namang kumain! Napakatakaw mo kasi!" sita ko sa kaniya pagkatapos kong kumain dahil excited na talaga ako. 

Time check, 7:30 AM.

"At least ako hindi tumataba, di tulad mo." pangaasar niya sa akin.

"Excuse me! Sexy kaya ako!" depensa ko.

"Okay. Sabi mo eh. Tara na!" sa wakas natapos rin kumain.

Hindi na kami nagpaalam kila mommy dahil nasa meeting room kaagad sila umagang-umaga.

Paglabas namin ay nakaready na ang karwahe na sasakyan namin papunta sa train station. Sumakay na kami sa karwahe at nagumpisa na itong umandar.

"Sobrang excited na talaga ako Schy! Ngayon lang ako makakapasok sa academy!" iniimagine ko kung anong itsura sa loob ng academy. Tanging labas lang kasi ng academy ang natatanaw namin kapag napapadaan doon dahil sa malaking border nito.

"At excited na rin akong magkaroon ng bagong kaibigan! Nagsasawa na kasi ako sayo!" sabi ni Schy.

"Alam mo, nakakatouch ka talaga ano? Sa ganda kong 'to pagsasawaan mo? Tch." reklamo ko.

Dumaldal lang ako nang dumaldal hanggang sa marating na namin ang train station.

Dare-daretsyo lang kami hanggang sa makapasok ng train at pumwesto sa wala masyadong tao dahil sa dami ba naman ng kasama naming prostatis saan nalang sila pupwesto. Pero hindi sila tumatabi sa amin, syempre privacy at paggalang na rin.

Dalawang oras ang byahe papunta doon sa academy kaya't natulog na muna kami.

"Hoy! HOY! HOY TULOG MANTIKANG BABOY NANDITO NA TAYO!" Ang ingay naman netong babaitang to nangangalabit pa, ang sarap ng tulog ko eh.

"Five minutes." sabi ko.

"Aba sige bahala ka dyan! Iiwan kita dito sa TRAIN tapos dadalin ka nila sa Exoria!" sigaw niya sa akin.

Dahil sa sinabi niya ay nagmulat ako ng mata, at doon ko narealize na pupunta nga pala kami ng academy at wala ako sa kwarto.

"Teka Schy! Hintayin mo ko!" ang bruha iniwan nga ako kaya dali dali akong lumabas ng train at hinabol siya.

AEPYGERO SERIES: Love & AngerWhere stories live. Discover now