Chapter 57

14 6 4
                                    

Dedicated to yaykassss, Ariamchiii & AKIA_2020

CHENO'S POV

"TANGNA KA, PYRRHOS!!!" sigaw ko at agad sumugod papalapit sa kaniya.

Umalis sa kandungan niya si Alethea na bakas ang gulat sa mukha.

Tangina niyo! Paano niyo nagawa kay couz ito?!

Nandidilim ang paningin ko.

Pagkalapit ko sa kaniya ay agad ko siyang hinila sa kwelyo at walang tigil na pinagsusuntok.

"GAG0 KA! TANGNA! PAPATAYIN KITA!"

THIRD PERSON'S POV

Puno ng galit na pinagsusuntok ni Cheno ang hindi makalaban na si Pyrrhos dahil sa gulat.

Si Athana ay hindi pa rin makapaniwala sa kaniyang nasaksihan at tila naging bato sa kinatatayuan.

Hindi niya halos mapaniwala ang sarili na totoo ang eksenang kaniyang nasaksihan. Tila isang sirang plaka na nagpaulit-ulit sa utak niya ang nasaksihang paghahalikan ng dalawa. Hindi maalis sa utak niya ang pagkakakandong ni Alethea sa kandungan ni Pyrrhos habang parang nasa ibang mundo ang dalawa dala ng kanilang mapusok na paghahalikan.

"TAMA NA, CHENO!" pagaawat ni Alethea dahil halos duguan na ang mukha ni Pyrrhos na nawalan na ng malay.

"GAG0 KA! PAANO MO NAGAWA KAY ATHANA ITO?! ISA KA PA! ALAM MONG MAY KARELASYON SI PYRRHOS PERO ANONG GINAWA MO?!" galit na galit na sigaw ni Cheno kay Alethea na napailag sa takot na baka saktan din siya ni Cheno.

"Ha... couz—"

Mabilis na nilapitan ni Cheno si Athana ng bumagsak ito sa sahig habang hawak ng parehong kamay ang dibdib.

"ATHANA!! COUZ! COUZ, GISING! SHIT!"

*Sa Field*

Sa labas ng horror mansion ay tila natakot ang lahat ng nagalit ang langit at nagpakawala ng nagngangalit na kulog at kidlat na walang humpay sa pagtama sa kung saan-saan na naging dahilang ng pagkasunog ng ibang puno at bagay na naroroon. Ang lupa ay yumanig ng pagkalakas na naging dahilan ng pagkabitak-bitak ng lupa. Lumakas ang hagupit ng hangin na halos tangayin ang lahat ng bagay na naroroon, sa lakas nito ay halos tangayin maski ang mga estudyante kaya't nagkaniya-kaniya ang mga ito sa paggawa ng protective barrier.

"What is happening?!" sigaw na tanong ni Nephele sa mga kasama dahil halos hindi na sila magkarinigan sa ingay ng paligid gawa ng sigaw ng mga estudyante at pinagsabay na kidlat, kulog at hagupit ng hangin.

"Fck! Mone! Stay here with me!" - Zopyros
"Anong nangyayari?!" - Allai
"Tangna! Katapusan na ba ng mundo?!" - Ice
"Sila Athana nasa loob!" - Elissa

*Building B*

Mula sa guidance ay nagmamadaling tumakbo papalabas si Niko. Tumalon ito sa bintana mula sa ikawalong palapag ng building B at nagmamadaling tumakbo papunta sa kinaroroonan ni Athana, hindi alintana ang malakas na hagupit ng hangin, pagyanig ng lupa at pagtama ng kidlat sa kaniyang dinaraanan.

'FCK! WHAT THE HELL DID YOU DO PYRRHOS?! FCK! FCK! FCK!' tanong nito sa isip.

*Sa kaharian*

"Zoticus! Hindi maaari!" sigaw ng reyna.

"Ziveora! Nasaan ang kapatid mo?!" kinausap ng hari ang panganay na prinsesa gamit ang kanilang kakayahang makausap ang isa't-isa sa kanilang isip.

AEPYGERO SERIES: Love & AngerWhere stories live. Discover now