Chapter 30

40 22 2
                                    

ATHANA'S POV

Mabilis nagdaan ang mga araw. Hanggang ngayon ay wala pang sinasabi sa amin kung ano ba talaga ang nangyari noong birthday ko. Kapag tinatanong ko si ate o kaya sila mommy ay sinasabi nilang wala pang progress. Tingin ko ay mayroon silang hindi sinasabi sa amin.

Ngayon ay may klase kami sa weapon acquisition. Wala kaming ibang ginawa kundi paghusayan ang paggamit sa weapon namin. Naglalaban din kami gamit ang kaniya-kaniyang weapon, ang kalaban ko ay si Ice. Bawat klase kasi namin sa weapon acquisition ay may rotation ng partners upang masanay kaming iba-ibang klase ng weapon ang gamit ng kalaban.

"Alam mo, Athana, ngayon lang ako napagod at pinagpawisan ng ganito na babae ang kalaban." hinihingal na sabi ni Ice ng maubos na ang oras ng laban.

"Should I take that as a compliment?" hinihingal rin na sabi ko. Tumawa lang siya.

"You did great. I had fun." sabi ko pa dito.

Nakalaban ko na silang lahat, at masasabi kong karapat-dapat sila sa titulo ng Ischyros dahil tunay na malalakas sila. Mabibilis kung kumilos at matatalas ang pagiisip. Nahuhulaan nila kaagad ang gagawing depensa o atake ng kalaban. Kapag kami-kami ang naglalaban ay nauubos na lamang ang oras nang wala pang natatalo.

Kinuha na namin ang mga gamit at lumabas na ng training hall pagkatapos kaming i-dismiss ni Sir Wane.

Habang naglalakad ay may napansin ako. Magkadikit na naman si Anee at Zopyros. Kelan ko pa napapansin na mayroong namamagitan sa kanila pero ayokong pangunahan si Anee kaya gusto kong siya ang magkwento.

"What's with that look, Zotiria?" tanong ni Effie na nasa tabi ko.

"Wala naman. Pansin ko lang, nagiging malapit na sila Anee at Zopyros. Bagay sila." nakangiting sabi ko.

"Yeah, tayo rin." kinindatan pa ako ng loko.

Nitong mga nakaraang araw rin ay nagiging sweet na sa akin si Effie. Tulad ng sabi niya, nililigawan niya ako. Nauna pa nga niya iyong ipaalam kila mommy.

"Talaga lang, ah?" natatawang sabi ko.

Pagdating sa headquarters ay naghanda na kami nila Anee ng hapunan.

"Psst, bakla! Anong status niyo ng Zopyros? Kung makabakod sayo ang Zopyros wagas-wagasan!" tanong ni Seb ng kami na lang lima ang nandito. Ako, Anee, Nerees, Seb at Elissa.

"Guys, may sasabihin ako. Hehe." namumulang sabi ni Anee.

Tumigil naman kaming lahat sa kaniya-kaniyang ginagawa at tinuon ang pansin sa kaniya.

Nang walang nagsalita sa amin ay nag-umpisa nang magkwento si Anee.

"Hmm. Kami na ni Zopyros."

"Waaah! Kelan pa? Paano?"

"Bakit di namin nalaman?!"

"What? Ang bilis naman? Walang ligawan stage?"

"Congrats"

Si Elissa iyang huli.

Lalong namula si Anee at parang di alam kung anong sasabihin.

"Naalala niyo noong pagkatapos ng birthday ni Schy?" nagtanguan naman kami.

Tanda ko pa iyon, nawala sila bigla ni Zopyros at di na bumalik.

"Kasi that night.."

Ikinuwento niya sa amin ang nangyaring pag-amin sa pagitan nilang dalawa at pati iyong kay Cheno.

AEPYGERO SERIES: Love & AngerWhere stories live. Discover now