Chapter 25

30 18 0
                                    

NEPHELE'S POV

Tatlong araw ang lumipas nang mangyari iyon kay Schy. Maayos na ulit ang pakiramdam niya ngayon at tulad dati ay masayahin na ito. Nang sumunod na araw ng mangyari iyon ay dumating sila auntie, nagulat pa nga si Miss Paeon dahil hindi niya alam na isa palang Ourania si Schy. Hindi namin alam kung ano ba talaga ang nangyari kay Schy dahil hindi kami kasama noong mag-usap sila. Pero siniguro sa amin nila auntie na ok na si Schy at hindi na mangyayari ulit iyon.

Sabado ngayon at walang klase. Nandito lang kami sa headquarters at nanunuod ng mga palabas.

Simula rin ng nangyari kay Schy ay naging mas malapit sila ni Pyrrhos. Lagi siyang inaasikaso ni Pyrrhos na akala mo eh may sakit pa rin si Schy.

"Nephele, you want some chips?" pag-aalok sa akin ni Cheno.

"Sure! Thanks!" inabot niya sa akin ang isang mangkok ng iba't-ibang klase ng chips.

Simula noong umamin siya sa akin noong birthday ko ay medyo nailap ako sa kaniya. Pero nitong mga nakaraang araw ay nawawala naman na sa akin ang awkwardness. Like pa lang naman ang nararamdaman niya, hindi ba? Hindi pa naman iyon love. I honestly don't feel the same way. Tanging kaibigan lang ang tingin ko sa kaniya at hindi na iyon lalagpas pa doon. Dahil alam ko sa sarili kong mayroon nang nagmamay-ari ng puso ko.

Noong kinagabihan ng birthday ko ay hindi nawala sa isip ko ang sinabi ni daddy. Pilit kong pinakiramdaman at inintindi ang sarili kong nararamdaman. Binalikan ko rin ang mga posibleng dahilan kung bakit ko naramdaman iyon sa kaniya. And everything is clear to me, I'm falling in love with him.

"Really? You're daydreaming again, just because of those chips that he gave you? I can give you much better than that." nagulat naman ako ng biglang tumabi sa akin dito sa malaking beanbag si Poh.

*Tug-Dug*
*Tug-Dug*
*Tug-Dug*

Oh, please, calm down, Nephele. Calm down.

"What are you talking about?" pagtataray ko sa kaniya. Ganyan nga, Nephele, huwag kang umastang naaapektuhan sa presensya niya.

Kinuha naman niya ang chips sa akin at kinain iyon.

"Hey! That's mine! Get yours!" mahinang sabi ko dahil busy ang lahat sa panunuod.

"You're mine, so everything you have is also mine."

*Tug-Dug*

*Tug-Dug*

*Tug-Dug*

*Tug-Dug*

*Tug-Dug*

*Tug-Dug*

What the shit did he just said?! I felt my cheeks burning red, my heart won't stop beating fast, my eyes are glued to his yellowish eyes, and my mind is getting crazy.

"Wha—, what did you say?" hindi makapaniwalang tanong ko.

"Tsk. You're always not listening to what I said." kunot-noong tinapunan niya ako ng tingin na lalong nagpabilis ng tibok ng puso ko.

Stupid gay. Malinaw na malinaw sa pandinig ko ang sinabi mo! I just couldn't believe you said that in front of my gorgeous face!

Inirapan ko na lang siya upang makaiwas sa tingin niya na lumalalim na. Itinuon ko na lang ang tingin sa pinapanuod kahit ko lubos na naunawaan iyon dahil sa presensya niya.

Hmp!

Napadaretsyo ako ng upo dahil sa gulat nang bigla niyang iyakap sa bewang ko ang kamay niya.

AEPYGERO SERIES: Love & AngerWhere stories live. Discover now